in

Italian Citizenship, 3 taon na lamang sa bagong Decreto Legge

Inaprubahan noong nakaraang October 5, 2020 ng Konseho ng mga Ministro ang susog sa tanyag na Decreti Sicurezza, kilala rin sa tawag na Decreti Salvini, dahil ito ay inaprubahan sa ilalim ng dating Minister of Interior Matteo Salvini, na nagbago sa batas at regulasyon ukol sa imigrasyon, partikular sa pagtanggap sa mga asylum seekers, sa pagsagip sa karagatan at lalong higit sa panahong kinakailangan sa pagbibigay ng italian citizenship. 

Itinalaga ng Decreti Sicurezza na ang panahon sa pagbibigay ng italian citizenship ay 48 na buwan o 4 na taon mula sa 24 na buwan o dalawang taon lamang. 

Makalipas ang dalawang taong pagpapatupad nito, ang nilalaman ng dalawang decreti Sicurezza ay itinuturing na hindi na angkop sa lipunan at ang mga ito ay sinusugan. 

Sa katunayan, mula sa apat (4) na taong pag-proseso ng aplikasyon, ay ibinaba sa tatlong (3) taon o 36 na buwan na lamang ang panahong kinakailangan upang magkaroon ng italian citizenship by residency at by marriage ang mga dayuhang aplikante, ayon sa bagong decreto legge. Ito ay ang panahong isinulong ng kasalukuyang Minister of Interior, Luciana Lamorghese simula pa noong Hulyo.

Bukod sa nabanggit, ay mahalagang pagbabago rin ang posibilidad na matanggap ang Italian citizenship sa pamamagitan ng silenzio assenso o tacit approval matapos ang 36 na buwang paghihintay sa proseso nito sa pamamagitan ng apila sa TAR o Regional Administrative Court, ngunit ito ay hindi retroactive

Gayunpaman, ang bagong decreto legge sa imigrasyon na binubuo ng 12 artikulo at kakailanganin isabatas ng Parlyamento na may kapangyarihang magsagawa pa ng mga karagdagang susog.  (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 1]

mandatory mask Ako ay Pilipino

Mask, mandatory kahit sa outdoors. Kailan may pahintulot na hindi ito isuot?

pagbabago sa decreti salvini ako ay pilipino

Decreti Salvini, aprubado na ang mga pagbabago. Narito ang nilalaman.