Simula ngayong araw, December 31 hanggang January 3, ang Italya ay muling sasailalim sa mga restriksyon ng zona rossa o lockdown. Ito ay nangangahuluhan ng pagkakaroon ng limitasyon at restriksyon sa paglabas ng bahay.
Partikular, mamayang gabi December 31, ay mas mahaba ang oras ng curfew. Simula 10pm ng gabi hanggang 7am ng January 1.
Ito ay ipinatutupad, sa pamamagitan ng Decreto Natale upang maiwasan ang pagkalat ng Covid19 sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Narito ang mga dapat tandaan
- Ang paglabas ng bahay ay may pahintulot lamang kung ang dahilan ay trabaho, kalusugan at mga pangangailangan;
- Ang pagbalik sa sariling bahay ay may pahintulot ;
- May pahintulot ang magpunta sa simbahan o anumang lugar ng pagsamba;
- Ang pagbisita o pagtanggap ng bisita ay pinahihintulutan. Sa kundisyon ng isang beses sa maghapon at hanggang 2 katao lamang. Ang mga bata hanggang 14 anyos at may kapansanan ay hindi kasama sa bilang. Ito ay may pahintulot kahit sa ibang Comune basta’t sa parehong Rehiyon lamang;
Bukod sa mga nabanggit ay:
- Mananatiling bukas ang mga Supermarket, pharmacies, newspaper stands, tobacco shops, laundry, hairdressers at barber shops;
- Sports activity sa outdoor ngunit indibidwal;
- Physical activities na malapit sa bahay;
- Ang mga bar at restaurants ay bukas for take out lamang;
- May pahintulot ang for take out hanggang 6pm ang mga bars at hanggang 10pm ang mga restaurants;
- Ang deliveries ay pinahihintulutan;
- Huwag kalimutan ang magdala ng Autocertificazione at kopya ng balidong dokumento o pagkakakilanlan.
- Ang lalabag sa batas ay mumultahan.
Narito ang form ng Autocertificazione.
Para sa karagdagang impormasyon, narito ang link ng FAQs ng gobyerno.
Sundin ang tagubilin at mga protocol ng pamahalaan. Ito ay para sa isang mas malusog, mas malayo sa virus, at mas payapang pagpasok ng Bagong Taon.