Red Alert ang Italya partikular ang Milano, Roma, Napoli, Bari, Genova at Palermo na target umano ng mga terorista ngayong kapaskuhan.
Habang papalapit ang kapaskuhan, ay pataas din ng pataas ang posibleng pag-atake ng mga terorista. Ito ay sinimulan ng pag-atake sa Strasbourg at pinangangambahan ang pag-atake nito sa Italya.
Red Alert ang Italya partikular ang Milano, Roma, Napoli, Bari, Genova at Palermo na target umano ng mga terorista ngayong kapaskuhan ayon sa bantang natanggap sa pamamagitan ng phone tapping.
Dahil dito ngayong kapaskuhan ay sasailalim sa mahigpit na kontrol ang mga papasok at lalabas ng bansa. Pinatindi rin ang seguridad sa mga airports gayun din sa mga mall o centri commerciali, outlet at mga shopping places na paboritong pasyalan kapag holiday season gayun din ang mga Christmas markets at mga mahahalagang lugar at monument sa mga nabanggit na lugar.
Ang mga intelligence at lahat ng uri ng mga kapulisan ay tinawagan upang ihanda at upang maiwasan ang anumang uri ng pag-atake, lalo na sa mga araw na ito ng pagdiriwang.
“Karagdagang 30,000 kapulisan ang makikita sa treno simula sa ngayon upang magbantay at tiyakin ang seguridad ng lahat”, ayon kay Interior Minister, Matteo Salvini.
“Ipagpatuloy natin ang regular na pamumuhay at huwag palitan ang mga kinaugaliang gawain sa araw-araw dahil iyon ang hangarin ng mga terorista”, dagdag pa nito.
Isang paalala rin mula Sergio Mattarella, “ang pinaka-epektibong panglaban sa paglaganap ng terorismo ay ang makita nila ang pagkakaisa ng mga bansa ng lahat ng kontinente”.