in

Ius Soli, ano ang nilalaman ng bagong panukala?

Italian citizenship Ako ay Pilipino

Sa kasalukuyan ay muling umiinit ang public debate ukol sa Ius Soli sa pagtatapos ng Olympics 2020. Ito ay matapos sabihin ni Comitato Olimpico Nazionale Italiano o CONI President Gianni Malagò na kailangang pagkalooban ng italian citizenship dahil sa sport ang mga athletes na ipinanganak sa Italya na wala pang 18 anyos. 

Matatandaang ang mga ipinanganak sa Italya ay hindi awtomatikong italian citizen at kailangang maghintay ng pagsapit ng 18 anyos para makapag-aplay ng naturalization process hanggang bago sumapit ang 19 anyos.

Ius Soli, ano ito? 

Ang Ius soli ay mula sa salitang Latin na nangangahulugan ng “karapatan sa lupa“. Kung batas ang pag-uusapan, ito ay nangangahulugan ng pagiging citizen ng bansa kung saan ipinanganak, anuman ang citizenship ng mga magulang

Ang USA, Canada, at halos buong Latin America ay nagpapatupad ng ius soli sa paraang awtomatiko at walang kundisyon. Samantala ang ilang bansa sa Europa tulad ng France, Germany, Ireland at Great Britain ay nagpapatupad din ng ius soli, kahit na may ilang kundisyon. 

Ang ius soli ay salungat sa ius sanguinis na kasalukuyang ipinatutupad sa Italya.

Ius Sanguinis 

Ang ius sanguinis ay nangangahulugan ng “karapatan sa dugo”. Ito ay nangangahulugan na ang anak ay may parehong citizenship ng magulang, samakatwid ang citizenship ng anak ay batay sa citizenship ng magulang o ninuno at hindi batay sa lugar kung saan ipinanganak.

Ang halimbawa nito ay ang mga Italyano sa Amerika na, sa kabila ng ikalawa o ikatlong henerasyon, ay nagkakaroon pa din ng Italian passport dahil sa mga lolo’t lola at mga ninuno na Italyano.

Ius soli, ang nilalaman ng bagong panukala

Sa kasalukuyan ay muling isinusulong ang tema ng Ius Soli. Narito ang nilalaman ng bagong panukala. 

  • Bibigyan ng Italian citizenship ang mga ipinanganak sa Italya na ang mga magulang ay dayuhan at regular ang paninirahan sa Italya sa pagkakaroon ng permesso di soggiorno kahit ng isang magulang lamang sa araw ng pagsilang ng anak. 
  • Bibigyan ng Italian citizenship ang dayuhang ipinanganak sa Italya sa pagkakaroon ng isa sa mga magulang na ipinanganak sa Italya.

Ius Culturae

Ang ius culturae ay ang panukalang isinulong ni Laura Boldrini. Ito ay nangangahulugan na ang anak na menor de edad ng dayuhang magulang ay bibigyan ng Italian citizenship matapos gawin ng magulang ang deklarasyon ng pagnanais, o dichiarazione di volontà, sa kundisyong ang menor de edad ay nag-aral sa Italya ng elementary o secondary school. 

Nasasaad din sa panukala ang pagbibigay ng italian citizenship sa dayuhang regular na naninirahan sa Italya mula limang taon at nagtataglay ng sapat na sahod o kita. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 4 Average: 2.8]

Bonus TV 2021, aplikasyon simula August 23, 2021

WHO, tutol sa third dose ng mga mayayamang bansa