in

Bonus TV 2021, aplikasyon simula August 23, 2021

Simula sa August 23, 2021 ay maaari nang mag-aplay ng bonus rottamazione TV na nagkakahalaga hanggang € 100,00. Ito ay dahil sa nalalapit na pagpapalit sa new digital terrestrial broadcasting standards o ang switch mula sa DVB T1 sa DVB T2

Ito ay nangangahulugan na milyung milyong mga mamamayan sa Italya ang kailangang magkaroon ng angkop na telebisyon o ang kailangang magkaroon ng bagong decoder. 

Ang magandang balita ay ang bonus rottamazione TV 2021 na magpapahintulot sa pagbili ng bagong telebisyon at decoder, sa pamamagitan ng bonus, na nagkakahalaga ng hanggang €100,00hanggang December 31, 2022. 

Bukod dito, ang bagong bonus TV ay walang limitasyon sa ISEE at samakatwid ay maaaring mapakinabangan ng maraming mga pamilya. 

Ang DVB T2

Ang DVB T2 o ang Digital Video Broadcasting — Second Generation Terrestrial ay ang esklusibong format standard na gagamitin sa Italya simula January 2023. Ang bagong sistema ay higit na malakas kaysa sa First Generation Terrestrial na ganap na magsi-switch off sa nabanggit na petsa.

Gayunpaman, ang switch off na unti-unting magaganap ay nagkaroon ng pagbabago sa petsa kumpara sa unang inilathala.

Narito ang mga bagong petsa ng switch-off

  • November 15, 2021(sa halip na Seotember) hanggang December 18, 2021 – sa area 1A – Sardegna
  • January 3, 2022 hanggang March 15, 2022 – sa area 2 – Valle d’Aosta, Piemonte, Lombardia maliban sa provincia di Mantova, provincia di Piacenza, provincia di Trento, provincia di Bolzano at sa area 3 – Veneto, provincia di Mantova, Friuli Venezia Giulia, Emilia Romagna maliban sa provincia di Piacenza; 
  • March 1, 2022 hanggang May 15, 2022 – sa area 4 – Sicilia, Calabria, Puglia, Basilicata; Abruzzo, Molise, Marche;
  • May 1, 2022 hanggang June 30, 2022 – sa area 1B – Liguria, Toscana, Umbria, Lazio, Campania.

Paano matatanggap ang Bonus TV 2021 na nagkakahalaga ng € 100,00? 

Para matanggap ang Bonus TV ay kailangang palitanang lumang tv na binili bago ang taong 2018. Bukod dito ang bagong tv ay kailangang nasasaad sa listahang ito mula sa website ng MISE. 

Ang maximum na halaga ng bonus ay € 100,00at ito ay ang 20% ng bagong bibilhing telebisyon. 

Halimbawa: Kung ang bagong telebisyon ay nagkakahalaga ng €300,00, ang discount at € 60,00 (ang 20% ng € 300). Tandaaan na ang maximum na halaga ng bonus ay € 100,00 lamang at para sa mga telebisyon na ang halaga ay higit sa €500, ang bonus ay nananatiling € 100,00 lamang. 

Tulad ng nabanggit, upang matanggap ang bonus ay kailangang palitan ang telebisyon. Maaari itong iiwan sa shop kung saan bibili ng bago (ang ipinapayo) o ang dalhin sa authorized na tapunan, ngunit sa kasong ito ay kailangang humingi ng isang deklarasyonbilang pagtugon sa requirement ng bonus. 

Ang gobyerno ay may 250M pondo para sa bonus TV 2021. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Pin ng Inps, balido hanggang Sept. 30, 2021 na lang

Italian citizenship Ako ay Pilipino

Ius Soli, ano ang nilalaman ng bagong panukala?