in

January 5 at 6, zona rossa ulit sa Italya

Arancione scuro o arancione rafforzata, ito ang bagong kulay sa klasipikasyon ng sitwasyon ng covid19.

January 5 at 6, ang Italya ay muling sasailalim sa mga restriksyon ng zona rossa o lockdown. Ito ay nangangahuluhan ng pagkakaroon ng limitasyon at restriksyon sa paglabas ng bahay. 

Ito ay ipinatutupad, sa pamamagitan ng Decreto Natale upang maiwasan ang pagkalat ng Covid19 sa pagsalubong sa Bagong Taon

Narito ang mga dapat tandaan

  • Ang paglabas ng bahay ay may pahintulot lamang kung ang dahilan ay trabaho, kalusugan at mga pangangailangan;
  • Ang pagbalik sa sariling bahay ay may pahintulot ;
  • May pahintulot ang magpunta sa simbahan o anumang lugar ng pagsamba;
  • Ang pagbisita o pagtanggap ng bisita ay pinahihintulutan. Sa kundisyon ng isang beses sa maghapon at hanggang 2 katao lamang. Ang mga bata hanggang 14 anyos at may kapansanan ay hindi kasama sa bilang. Ito ay may pahintulot kahit sa ibang Comune basta’t sa parehong Rehiyon lamang;
  • Samakwid, ipinapaalala na bawal ang lumabas ng Rehiyon at ng Comune maliban kung ang dahilan ay isa sa mga pinahihintulutan.

Bukod sa mga nabanggit ay:

  • Mananatiling bukas ang mga Supermarket, pharmacies, newspaper stands, tobacco shops, laundry, hairdressers at barber shops;
  • Sports activity sa outdoor ngunit indibidwal;
  • Physical activities na malapit sa bahay;
  • Ang mga bar at restaurants ay bukas for take out lamang;
  • May pahintulot ang for take out hanggang 6pm ang mga bars at hanggang 10pm ang mga restaurants;
  • Ang deliveries ay pinahihintulutan;
  • Huwag kalimutan ang magdala ng Autocertificazione at kopya ng balidong dokumento o pagkakakilanlan.
  • Ang lalabag sa batas ay mumultahan.

Narito ang form ng Autocertificazione. 

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

pagkamatay Pilipina sa Perugia

Misteryosong pagkamatay ng isang 22 anyos na Pilipina, iniimbestigahan sa Perugia

blood donation filippini Ako ay Pilipino

Blood Donation, adbokasiya ng I Paramedici Filippini