Habang paparating ang mga unang doses ng bakuna laban covid 19 ng Johnson & Johnson sa Europa, ay sinuspinde naman ang pagbabakuna ng J&J sa USA dahil sa ilang kaso ng thrombosis. Nag-anunsyo na din ang J & J ukol sa pagkakaantala ng paglulunsad ng bakuna sa Europa matapos maitala ang ilang kaso ng thrombosis. Ipinagpaliban na rin ang delivery ng mga bakuna sa Europa matapos ang pagpapahinto ng paggamit nito sa USA dahil sa naitalang ilang kaso ng pamumuo ng dugo.
Sa isang komunikasyon ay ipinapaalam ng J&J na kasalukuyang sinusuri nito ang mga kasong naitala sa pakikipagtulungan ng mga health authorities ng Europa. Ayon pa sa J&J ay suportado nila ang bukas na impormasyon sa mga health operators at sa publiko.
“Ang kaligtasan at kagalingan ng mga taong gumagamit ng aming mga produkto ay ang aming pangunahing priyoridad. Alam namin ang napakabihirang sakit ng thrombosis sa ilang tumanggap ng aming bakuna laban Covid19“, ayon sa J&J.
Ang Center for Disease Control (CDC) at ang Food and Drug Administration (FDA) ay kasalukuyang sinusuri ang mga datos ng 6 na kasong naitala sa loob ng 6.8 milyong mga doses. Para sa pag-iingat ay pansamantalang pinahinto ng CDC at FDA ang pagbabakuna. Pinapayuhan ang publiko na tumanggap ng bakuna na makakarandam ng matinding sakit ng ulo, sakit ng tiyan, pananakit ng binti o hirap ng paghinga sa loob ng tatlong linggo mula ngpagbabakuna na makipag-ugnay sa kanilang doktor.
Basahin din:
- Johnson & Johnson anti-Covid19 vaccines sa Europa, nalalapit na!
- Bakuna Vaxzevria AstraZeneca laban Covid19, ang Circular ng Ministry of Health
- Bakunang AstraZeneca, gagamitin na ulit sa Italya
- Bakunang AstraZeneca, sinuspinde ng AIFA
- Astrazeneca, pinaghihinalaang may dulot na masamang side effect