Sinimulan kaninang umaga ni Head of State Sergio Mattarella ang pormal na konsultasyon sa pagbuo ng bagong gobyerno ng Italya matapos ang ginawang general election noong nakaraang buwan, kung saan nanalo ang alyansa na pinamumunuan ng Fratelli d’Italia ni Giorgia Meloni.
Sinimulan ang konsultasyon kaninang umaga sa pakikipag-usap kay Senate Speaker Ignazio La Russa (FDI) at Lower House Speaker Lorenzo Fontana (LN).
Hiwa-hiwalay namang nakipagpulong si Mattarella sa mga partido ng oposisyon ngayong hapon: Europa Verde at Sinistra Italiana, ang partners Azione ni Carlo Calenda at Italia Viva ni Matteo Renzi, il Movimento 5 Stelle (M5S) sa pamumuno ni Giuseppe Conte at ang Partito Democratico (PD) sa pamumuno ni Enrico Letta.
Samantala bukas naman ng umaga, Friday Oct 21, ay sabay-sabay na haharapin ni Mattarella ang mga kaalyado ni Meloni, ang Leda Nord ni Matteo Salvini at ang Forza Italia ni ex-premier Silvio Berlusconi bagaman nagkaroon ng pagdududa kung sasama sa konsultasyon kasunod ng naging tensyon sa pagitan ni Meloni at Berlusconi.
Gayunpaman, kinumpirma ni Berlusconi na ang Forza Italia ay hindi hiwalay na makikipag-usap kay Mattarella at hihingin pa umano ni Berlusconi na bigyan ng mandate si Meloni para bumuo ng bagong gobyerno kasama ang iba pang alyansa.
Bukas ng gabi, Friday Oct 21, inaasahang ay ibibigay ang nasabing mandate kay Giorgia Meloni.
Basahin din: