Inanunsyo ng Presidente ng Republika Sergio Mattarella ang pangangailangang bumuo ng isang Gobyerno, ‘alto profilo’. Bukas, ay kakausapin sa Quirinale ang dating Presidente ng Banca Centrale Europea, Mario Draghi.
Ito ay matapos malaman mula kay Presidente ng Kamara Roberto Fico na walang majority para sa posibleng Conte Ter sa pagtatapos ng kanyang ginawang konsultasyon.
Nagbigay ng pananalita ang Head of State.
Ako ay nananawagan sa mga partido na bumubuo ng Parliyamento. Kailangang ng bansa ng isang Gobyerno, ‘alto profilo’ o mataas na antas. Institusyunal, isang gobyerno na hindi kikilala sa anumang kulay ng politika“.
Ipinaliwanag ng Presidente ng Republika ang dahilan ng kanyang naging desisyon: “Dalawa lamang ang posibleng sitwasyon – pagkakaroon ng agarang Gobyerno, na angkop sa pagharap sa kasalukuyang emerhensya – pangkalusugan, panlipunan, pang-ekonomiya at pampinansyal o ang agarang eleksyon. Ang ikalawa ay kailangang paghandaang mabuti, dahil ang halalan ay isang paraan ng demokrasya”.
Aniya, “ang halalan ay masasabay sa isang kritikal na sitwasyon ng Italya. At dahil sa krisis pangkalusugan, ang mga susunod na buwan ay mahalagang ilaan upang labanan ang virus. Hindi maiiwasan sa panahon ng kampanya ang pangangailangang ipagpatuloy ang mga gawain, partikular sa panahon ng mahahalaga at mahirap na desisyon at ang Gobyerno lamang sa kanyang kabuuan ang makakagawa nito”.
Kaugnay nito, bukas 12 ng tanghali ay kakausapin ng Head of State sa Quirinale ang dating Presidente ng Banca Centrale Europea Mario Draghi. Isang kilalang pigura, nasyunal at internasyunal. Siya ang inaasahang mamumuno sa Ehekutibo, bilang kapalit ni Giuseppe Conte.
Makalipas ang pagsusumikap ng M5S, PD, Liberi e Uguali ay nagpatuloy naman sa pagmamatigas ang Italia Viva hanggang sa huling sandali at dito nagwawakas ang posibleng Conte ter. (PGA)
Basahin din:
- Giuseppe Conte, nagbitiw na bilang Presidente ng Konseho ng mga Ministro
- Krisis ng Gobyerno: Exploratory mandate, may majority bang susuporta sa bagong gobyerno?