in

Krisis ng Gobyerno: Exploratory mandate, may majority bang susuporta sa bagong gobyerno?

Mario Draghi Sergio Matarella Ako Ay Pilipino

Inatasan ng exploratory mandate ni Head of State Serio Mattarella si Presidente ng Camera Roberto Fico. Layunin nito ang alamin kung mayroon bang ‘majority’ na handang sumuporta sa bagong gobyerno. 

Tinanggap ni Fico ang mandate at pagtatapos ng pagpupulong sa Quirinale, ay pinasalamatan niya ang Pangulo ng Republika para sa pagtitiwala nito. 

Krisis ng Gobyerno Exploratory mandate Ako Ay Pilipino

Kailangan ng bansa ang maximum na responsibilidad para sa panahong tulad nito”, ayon sa pinuno ng Montecitorio.

Ayon kay Fico ay sisimulan niya ang pakikipag-usap sa mga Partido na sumuporta sa nakaraang gobyerno. Pagkatapos ay makikipag-pulong din sa oposisyon. Tinatayang magkakaroon ng resulta ang kanyang mandate hanggang February 2

Matapos ang ginawang konsultasyon, sa maikling pananalita ay pilit na hinihingi ni Matarella ang pangangailangang matagpuan ang solusyon sa krisis. Partikular, habang hinaharap ang 3 pang mabibigat na krisis: pangkalusugan, panlipunan at pang-ekonomiya

Tiniyak naman Mattarella na may bahagyang pag-asa pa para muling mabuo ang majority na sumuporta noon sa Governo Conte bis, bago kumalas ang Italia Viva. 

Sa katunayan, ibinigay-alam ng M5S kay Matarella ang pagnanais na kausapin ang Italia Viva upang ipagpatuloy ang nasimulang alyansa.  

Ito ang mabigat na tungkulin ngayon ni Roberto Fico: ang alamin ang posibilidad ng pagpapatuloy ng gobeyrno sa ilalim ng pamumuno ni Conte, ang Conte ter, o ang pagpapatuloy nito sa ilalim ng ibang lider. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Rehiyon zona arancione zona gialla Ako Ay Pilipino

5 Rehiyon sa zona arancione, ang ibang Rehiyon ay lahat zona gialla na

Pinoy rider dead on the spot Ako Ay Pilipino

Pinoy rider, dead on the spot matapos mabundol sa Montecatini