in

Krusipiho sa mga silid-aralan, Italya abswelto!

Korte ng Strasburgo “Ito ay hindi hadlang sa karapatan ng edukasyon”.

Rome, 21 Marso 2011 – Ang Italya ay maaaring mag-patuloy na ilantad o isabit  ang krus sa mga silid-aralan ng lahat ng paarlang pampubliko, kahit na ang mga batang mag-aaral ay hindi lahat Kristiyano o atheists. Ito ay hindi isang pag-labag sa karapatang pantao at sa mga partikular na karapatan sa edukasyon sa ilalim ng Artikulo 2 ng European Convention on Human Rights.

Ito ay itinatag ng Grand Chamber of European Court on Human Rights sa Strasbourg, na umabot sa isang pinal na desisyon sa pamamagitan ng labing limang boto laban sa dadalawang boto lamang. Ayon sa Hukuman “kung totoo na ang krusipiho ay higit sa lahat isang relihiyosong simbolo, ngunit sa kasong ito ay walang katibayan na magpapatunay ng mga posibleng impluwensiya na maaaring maging sanhi ng pagpapakita ng simbolong ito sa mga mag-aaral”.

Pinagtibay ng Hukuman na “sa pagiging ganap na obligado ng pagsasabit ng krusipiho sa mga pampublikong paaralan, ang batas ng Italya ay nagbibigay lamang ng halaga sa pangunahing relihiyon ng bansa sa mga paaralan.” Ngunit ito ay hindi sapat upang isama sa mga gawain ng pagtuturo ng doktrina ng estado. ” Kabilang sa iba pang mga bagay, “ang isang krusipiho na nakasabit sa isang pader ay isang mahalagang simbolo, na ang impluwensiya sa mga mag-aaral ay hindi maaaring itulad sa isang didatikong diskurso o pakikilahok sa mga gawain sa relihiyon.”

Ang Italya ay inakusahan ni Sonia Lautsi, na nagsabi na ang mga krusipiho sa mga silid aralan ay maaaring mag-limita sa karapatan ng mga magulang na turuan ng paniniwala ang kanilang mga anak, pati na rin ng kalayaan sa relihiyon. Ang Hukuman noong Nobyembre 2009 ay nagbigay katwiran sa babae, ngunit ang pamahalaan ng Italya ay nag-apela, at ito ang desisyong itinalaga ngayon ng Grand Chamber.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

SEASONAL JOB, pagpapadala ng aplikasyon on line, uumpisahan na!

Isang Fil-Am photographer nanalo sa Nat Geo photo contest