Tumaas ng 30% ang Licenziamento o ang Pagtatanggal sa trabaho sa unang 15 araw ng buwan ng Abril ay kumpara noong nakaraang taon, ayon sa Assindatcolf.
Matapos gawan ng paraan ang buwan ng Marso sa pamamagitan ng ferie at permessi, nagsimula na sa buwan ng Abril ang pagtatanggal sa trabaho ng mga colf at badante.
Hanggang sa kasalukuyan, sa mga dekreto na ipinatutupad ay walang anumang inilaang proteksyon para sa domestic sector. Iba’t iba ang paraang inasahan ng marami tulad ng Cassa di Integrazione in deroga para sa mga colf na regular na tinatayang aabot sa 800,000 at ang Reddito di Emergenza naman para sa mga nasa ‘lavoro nero’. Ngunit hanggang sa kasalukuyan ay nananatiling naghihintay ang sektor. (PGA)