Para masolusyunan ang mga epekto ng pandemya at ng giyera sa Ukraine, ay naglabas ang gobyerno ng Italya ng ilang programa o bonus, batay sa sahod o kita, partikular sa mga pamilya na mababa ang ISEE, na makakatulong maibsan ang mga gastusin at pasanin ng mga pamilya.
Narito ang mga benepisyong matatanggap sa pagkakaroon ng mababang ISEE
Assegno Unico e Universale
Ang mga pamilya na may mababang ISEE ay maaaring mag-aplay ng Assegno Unico e Universale. Ito ay tulong sa mga menor de edad mula ikapitong buwan ng pagbubuntis hanggang sa ika-21 taong gulang ng dependent na anak. Ang halagang ibibigay ng gobyerno ay liliit sa pagtaas ng ISEE. Maaari rin itong matanggap sa halagang € 50,00 bawat menor na anak kahit walang ISEE.
Basahin din: Ang halaga ng Assegno Unico 2022, batay sa ISEE
Bonus Sociale o Bonus Bollette
Isa sa pinakahuling programa ng gobyerno ay ang pagpapalawig ng social bonus para sa mga house bills. Itinaas ng gobyerno – simula April 1 hanggang Decembre 31, 2022 – ang pamantayan ng ISEE mula € 8,000 hanggang € 12,000, upang mabigyang tulong ang humigit-kumulang 5.2 milyong pamilya sa halip na 4 milyon.
Upang matanggap ang nabanggit na bonus, hindi na kakailanganin pa ang magsumite ng aplikasyon. Ito ay awtomatikong ibibigay batay sa mga hawak na impormasyon ng Inps, partikular ang ISEE.
Basahin din: Bonus bollette 2022, mas dadami ang makakatanggap
Bonus Nido
Ang halaga ng bonus Nido ay nag-iiba din batay sa ISEE ngunit ito ay maaaring i-aplay nang walang ISEE. Ito ay tumutukoy sa reimbursement ng lahat o bahagi ng mga ginastos para sa pagpapatala at buwanang bayad sa nursery school. Kung hindi gumawa ng ISEE, ay matatanggap pa din pinakamababang halaga ng kontribusyon, hanggang sa maximum na € 136.37 bawat buwan.
Bonus Casa under 36
Ito ay para sa mga kabataan under 36 years old na gustong bumili ng unang bahay (prima casa). Pinalawig ng 2022 Budget Law ang deadline para sa pag-aaplay hanggang December 31, 2022. Ang mga under 36 na ISEE na mas mababa sa € 40,000 at nais na mag-aplay ng housing loan na hindi hihigit sa € 250,000 sa pagbili ng unang bahay (hindi kasama ang mga luxury houses).
Bonus Psicologo
Ang bonus Psicologo ay napapaloob sa decreto Milleproroghe noong February at kasalukuyang hinihintay ang implementing rules. Para sa taong 2022, nakalaan ang 20 milyon para sa nabanggit na bonus. Ito ay maaaring matanggap batay sa ISEE at maaaring umabot hanggang €600,00 sa isang taon.
Carta Acquisti
Sa website ng INPS, nasasaad na ang ordinaryong carta acquisti ay ibinibigay sa mga mamamayan na may edad 65 pataas o wala pang tatlong taong gulang sa pagkakaroon ng mga requirements, kasama na dito ang balidong ISEE at mas mababa sa €7,120.39. Ang card ay nilalagyan ng halagang €80,00 tuwing dalawang buwan, na maaaring magamit sa mga accredited shops. Maaari rin itong magamit sa pagbabayad ng kuryente at gas. (PGA)