Kahit ngayong 2024, ang mga may mababang ISEE sa Italya ay maaaring makatanggap ng iba’t ibang bonus at mga benepisyo. Ang ISEE, sa katunayan, ay naglalarawan ng kalagayang pinansyal ng mga pamilya. Sa kalkulasyon nito ay isinasaalang-alang hindi lamang ang bilang ng bumubuo sa pamilya kundi pati ang kita ng lahat ng miyembro ng pamilya. Kung mababa ang halaga ng ISEE, mas malaki ang pagkakataong magka-access sa iba’t ibang bonus na itinalaga ng gobyerno ng Italya.
Tandaan na mula noong January 1, 2024, ay may mga pagbabago sa DSU o Dichiarazionne Sostitutiva Unica, ang pangunahing instrumento upang makalkula ang Family Economic Situation Indicator o ISEE.
Narito ang mga bonus:
Bonus Bollette
Ngayong taon ay may nakalaang bonus bollette para sa mga pamilya na mababa ang ISEE, tulad ng bonus gas, luce, acqua at kahit bonus telefono.
Ang bonus sociale para sa gas, tubig at electricity ay nag-iiba batay sa reddito o sahod ng mga bumubuo ng isang pamilya. Karaniwang ang halaga ng ng ISEE ay hindi lalampas sa €9530,00. Ngunit para sa mga pamilya na mayroong 4 na dependents o carico ang halaga ng ISEE ay hindi lalampas sa €20,000.
Matatandaang ang bonus sociale 2023 ay pinalawig at ibinigay sa mga pamilya na ang ISEE ay hindi mas lalampas sa €15,000. Ngayong 2024, upang matanggap ang bonus sociale, ang halaga ng ISEE ay ibinalik sa dating halaga nito.
Gayunpaman, para sa unang tatlong buwan ng 2024 (para sa buwan ng Enero, Pebrero at Marso), ay nananatili ang bonus elettrico, o ang bonus sociale para lamang sa kuryente. Ito ay mananatiling pakikinabangan ng mga pamilya na ang ISEE ay hanggang €15,000 at para sa mga malaking pamilya o may 4 na dependent o carico, ang ISEE ay hanggang sa €30,000.
Ang bonus telefono ay tumutukoy sa isang diskwento ng 50% sa canone d’accesso. Ito ay kinikilala sa mga mayroong ISEE 2024 hanggang €8112,23, at may kontrata sa TIM.
Carta Dedicata a te
Kumpirmado din para sa taong 2024 ang Carta Dedicata a Te para sa mga pamilya na may mababang ISEE, o hindi lalampas sa €15,000. Partikular, hindi dapat tumatanggap ng ibang benepisyo tulad ng Assegno di Inclusione.
Carta Acquisti Ordinaria
Ang Carta Acquisti Ordinaria ay isang debit card na ibinibigay sa mga itinuturing na mahihirap na mamamayan. Partikular, ito ay ibinibigay sa mga pamilya na may miyembro na mas bata sa 3 taong gulang at higit 65 anyos. Sa card ay inilalagay ang bonus na nagkakahalaga ng €80,00 tuwing dalawang buwan na magagamit sa pagbili ng pagkain at pagbabayad ng bills sa gas at kuryente.
Rquirement sa Carta Acquisti Ordinaria 2024 ang hanggang €8052,75 ISEE at ito ay tumataas sa €10737,00 para sa mga may eded 75 anyos.
Assegno Inclusione
Para sa Assegno Inclusione, ang required ISEE ay hindi lalampas sa €9360,00. Ito ay nakalaan sa mga pamilya na ‘fragili’ o may miyembro na
- menor de edad;
- person with disabiity;
- higit sa 60 anyos.
Supporto Formazione e Lavoro
Ang pagkakaroon ng ISEE hanggang €6000,00 ay nagpapahintulot sa pag-aaplay ng Supporto per la Formazione e il Lavoro, ang bagong benepisyo na nagsimula noong nakaraang Setyembre. Ito ay nagkakalahaga ng €350,00 para sa bawat miyembro ng pamilya na ‘occupabile’ at bahagi ng formation at orientation courses.
Bonus Psicologico
Para sa taong 2024 ay pinalawig sa 5 miyon ang budget ng bonus Psicologico. Sa pag-aaplay ay kakailanganin ang pagkakaroon ng dalawang pangunahing requirements ng bonus: ang pagiging residente sa Italya at pagkakaroon ng balidong ISEE na hindi lalampas sa €50,000.00