Natapos ang taong 2011 na mayroong 300,000 readers at 1,000,000 page view bawat buwan. Magkakaroon na rin ng web site para sa mga Chinese, Pakistani, Bangladeshi at Sri Lankan.
Rome – Ang pangangailangan sa impormasyon ng mga imigrante ay patuloy, kasabay nito ang mabilis na pagdami ng mga readers.
Ito ang ipinahiwatig ng number of readers ng labing-isang website ng Stranieri in Italia, kaagapay ng monthly newspaper, para sa maraming komunidad.
Ang taong 2011 ay natapos ng may monthly average ng 300,000 visitors/readers at 1,000,000 page view, isang pagtaas ng mga mambabasa ng 150% sa isang taon.
Araw-araw ay matatagpuan online ang mga pinaka sariwang balita, mga gabay mula sa mga abogado, mga kuwento, mga personalities at kaganapan ng komunidad. Kung kaya’t patuloy naman ang pagbibigay impormasyon ng Akoaypilipino.eu, tulad ng Gazetaromaneasca.com, Naszswiat.net, Gazetaukrainska.com, Shqiptariiitalise.com, Africa-news.eu, Alitaliya.net, Punjabexpress.info , Africanouvelles.com, Expresolatino.net at Agoranoticias.net.
Isang click lamang sa isa sa mga site na nabanggit ay matutuklasan ang malawak na panorama
ng kabilang mundo, ngunit may iisang natatanging misyon: ang maghatid balita araw-araw sa mga naninirahan sa Italya. Gamit ang potensyal ng Internet at social network, gamit ang sariling wika ng
ng mga mambabasa, upang ang mga ito ay higit na nauunawaan at upang maramdamang ‘at home’ sila sa bansang Italya.
“Kami’y nagdiriwang ng isang tagumpay, maligaya ngunit hindi sapat ito upang himinto sa aming misyon. Ka-isa ang mga mambabasa na patuloy ang paniniwala at pagtitiwala”, ayon sa Akoaypilipino.eu.
“Kabilang ang mga bagong mamamayan ay bumibigat ang pangangailangan sa impormasyon sa iba’t ibang wika at para sa taong 2012 layunin namin na panatilihin ang rekord ng paglago ng nakaraang taon, ” ayon kay Gianluca Luciano, Managing Director ng Stranieri in Italia.
Hindi magtatagal – pauna ni Luciano – ay madagdagan ang mga mambabasa dahil apat na iba pang mga site online ang idadagdag para mga komunidad ng Chinese, Pakistan, Bangladeshi at Sri Lankan, kalahating milyong madla na tila nalimutan ng Italian media. Gusto naming ipaalam sa lahat, bawat isa, walang exception ay aming aabutin ang inyong mga tahanan “