Para sa mga imigrante na nagnanais mag-negosyo, sa Marso 15 ang deadline ng proyektong Start it up.
Roma – Pebrero 29, 2012 – Nagpapatuloy ang mga gawain ng proyektong Start it up – Bagong negosyo ng mga dayuhan, itinaguyod at pinondohan ng Ministry of Labor at Social Affairs – Head Office of Immigration and Integration, sa pakikipagtulungan ng Unioncamere at ng 10 Chambers of Commerce na sinimulan ang esperimentasyon sa mga lugar ng Ancona, Bari, Bergamo, Catania, Milan, Rome, Turin, Udine, Verona at Vicenza. Ito ang mga lugar, mula North hanggang South, na pinili ng Ministry of Labor at Social Affairs batay sa – mga pinansiyal na instrumento na magagamit sa pagbubukas ng negosyo at sa bilang ng mga regular na migrante – para sa eksperimento.
Ang mga pamamaraan sa pagpili ng mga kandidato na ibibilang sa orientation, information at training sa paghahanda ng mga business plan ay kasalukuyang isinasagawa.
Ang mga mga imigrante na mayroong permit to stay na nais na makiisa ay maaaring magpatala hanggangMarso 15 sa pamamagitan ng pagda-download ng impormasyon mula sa website ng mga Chambers of Commerce na nakiisa sa proyekto.