Ang mga opisina at mga paaralan ay sarado sa darating na Marso 17, isang pambansang pagdiriwang para sa ika-sangdaan at limampung anibersaryo ng pagkakabuklod ng Italya. Noong 1861, ng parehong araw, ay ipinagtibay ang Regno d’Italia (Kaharian ng Italya), pagkatapos ng siglo ng dibisyon at dominasyon ng mga dayuhan. Ang mahabang pakikibaka ay humantong sa pag-iisa ay tinawag na “Risorgimento”, na nangangahulugan ng ‘pagkabuhay’. Ito ay ang unang pagdiriwang ng pagkilala sa March 17, isang desisyon na maraming kasabay na kontrobersiya. Ang mga kinatawan ng mga employers, halimbawa, ay nais na magtrabaho rin sa araw na iyon upang maiwasan ang epekto nito sa ekonomiya. Ang karamihan na hindi sang-ayon sa pagdiriwang, ay ang mga lider ng Lega Nord, isang partido ng gobyerno na laban sa Risorgimento. Ang pagkakabuklod, sa katunayan, ay isang balakid sa mga rehiyon sa hilaga, na ayon sa Lega Nord ay kumakatawan lamang sa interes at pakinabang ng central at timog Italya. Sa kalaunan, ang pamahalaan ay ipinahayag ang pagdiriwang bilang isang national holiday, ng hindi umasa sa boto ng mga ministro ng Lega Nord. Kasabay ang pangako na sa mga darating na taon, ang Marso 17 ay hindi ipagdiriwang bilang isang national holiday.
in Italya
Marso 17, ipagdiriwang ang Pagkakabuklod ng Italya
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]