in

Mas maraming tourist visa para sa ekonomiya ng Europa – EU Commission

Ang Brussels ay humihiling sa mga konsulado ng mas mabilis na pagsusuri sa mga aplikasyon at approval ng mga entries. Malmström: “Pagaanin ang mga pagbibiyahe ng mga regular travelers, na hindi panganib sa seguridad, sa pagbibigay ng pagkakaton upang bisitahin ang Europa, at ito ay magpapatatag sa ating posisyon.

Rome, Nov 13, 2012 – Sa isang strategic communication na ipinatupad noong nakaraang Miyerkules, ang European Commission ay sinusuri ang pagpapatupad at ang pag-unlad ng mga magkakatulad na patakaran ukol sa visa na maaaring maging daan ng pag-unlad ng EU at makapagbigay ng mga mas magandang pagkakataon upang mag-biyahe ang mga dayuhang nagnanais na bisitahin ang EU.   

Noong nakaraang taon, ang mga bansa sa EU ay nag-isyu ng higit sa 12,5 million schengen visa, para sa maigsing panahon ng pananatili, sa mga mamamayan ng Third countries.Ang Italya ay nag-isyu ng 1,5 million bilang ikatlong bansa pagkatapos ng France (1,9 million) at Germany (1,6 million). 

Ang turismo ay itinuring na isa sa mga pangunahing source of occupation ng EU dahil sa 18,8 million employement na kaloob nito noong 2011 na naging mahalagang dahilan ng pag-unlad sa ekonomiya at paggawa. Ang halagang ginugol ng mga dayuhang bumisita noong 2011 ay katumbas ng halagang 330,44 billion euros. Ayon sa huling pagiistima, pagbibigay diin sa note ng Brussels, ang nasabing halaga ay maaari pang tumaas at umabot sa 20,4 million na trabaho at 427,31 billion euros sa 2022.

Kung pahahalagahan, ang kasalukuyang patakaran sa visa issuance ay makakapaggarantiya upang ang EU ay manatiling destinasyong nais ng malaking bilang ng mga turista at mamamayan ng third countries, at magtutulak din sa ekonomiya at pagbibigay ng mga trabaho sa EU. Ang turismo sa katunayan ay magbibigay benepisyo sa ekonomiya salamat sa mga ginugol na salapi sa pananatili, pagkain at inumin, tranportasyon, leisure, shopping at ibapa.

“Sa kasalukuyang pagbaba ng ekonomiya ay kailangang magsumikap upang tumaas ang pagpasok ng mga turista sa Europa kasabay ng pagbabantay sa ating mga borders”, deklarasyon ni Cecilia Malmström, ang commissioner on internal affairs. “Pagaanin ang mga pagbibiyahe para sa mga regular travelers, na hindi panganib sa seguridad, at pahintulutan sila na bisitahin ang Europa, na syang magpapatibay sa ating posisyon bilang pangunahing destinasyon ng mga turista sa buong mundo, ang tagumpay na pinaka-hinahangad para sa ating ekonomiya”.  

Il vicepresidente della Commissione europea Antonio Tajani ha dichiarato: "Ho sempre considerato con grande attenzione turismo e agevolazione degli spostamenti. Provo grande soddisfazione a vedere che l'eccellente collaborazione tra i servizi diretti dalla commissaria Malmström e quelli alle mie dipendenze sta dando frutti. Considero questa comunicazione una pietra miliare in quanto la Commissione riconosce ufficialmente l'importanza di tenere conto di considerazioni economiche nel prendere decisioni relative alla politica dei visti".

Ang VP ng European Commission na si Antonio Tajani ay nagdeklara: “Palaging malaki ang aking atensyon sa turismo at sa pagpapagaan sa mga pagbiyahe. Ako ay natutuwang makita ang magandang kolaborasyon sa pagitan ni commissioner Malmström at ng aking tanggapan, ay nagkakaroon ng bunga. Itinuturing ko ang komunikasyong ito bilang isang milestone na kinilala ng opisyal ng Commission ang halaga ng aspetong pinansyal sa patakaran ng visa.

Ang statistics ay naglalarawan na ang bilang ng mga ni-released na visa ay patuloy ang pagtaas sa mga huling taon at ang mga rejected request ay nananatiling limited. Noong 2011 ay ipinagkaloob ang halos 460,000 visa para sa Schegen countries sa India; noong 2007 naman ay umabot sa 340,000. Maging ang bilang ng mga ni-released na visa sa China ay tumaas din: mula sa 560,000 noong 2008 sa 1.026,000 noong 2011. Sa Russia naman ay ipinagkaloob noong 2011 ang halos 5.152,000 visa, kumpara sa 3.500,000 noong 2007.

Maaari pa ring pataasin ang bilang ng mga turista buhat sa mga bansang nagpapahiwatig ng malaking kakayahan bilang turista kasama ng pataas na purchasing power.

Maraming maaaring maabot sa kasalukuyang batas sa visa na ipinatutupad  at maaaring malampasan ang maraming mga hadlang kung ang mga konsulado ng mga kasaping bansa ay ipatutupad ng wasto ang nilalaman ngVisa Code. Partikular, ang mga konsulado ay nararapat na sundin ang patakakarang ibigay ang appointment makalipas ang 15 araw at parehong araw upang desisyunan din ang pagbibigay ng visa, ang availability ng mga forms sa wika ng host country at ang posibilidad ng pagbibigay ng multiple visa.

Ang prospective sa paglipas ng panahon, ay maaaring magkaroon ng mga susog sa kasalukuyang patakaran sa visa, na ayon sa Commission ay maaaring ang mga sumusunod:

– accelerare e abbreviare le procedure (riesaminare ogni fase della procedura, compresa la presentazione della richiesta di visto da parte di intermediari o agenzie di viaggio, nonché consulenze preventive);

– pabilisin at pagaanin ang mga procedures (muling suriin ang bawat hakbang ng procedures, kabilang ang presentasyon ng request ng visa mula sa intermediary o travel agency, gayun din ng ilang tanggapan)

– tukuyin ang mga concerned consulate upang harapin ang request for visa

– padaliin ang mga forms ng mga request

– padaliin o linawin ang mga prescriptions ukol sa pagsusumite ng mga dokumento

– tukuyin ang mga patakaran ukol sa kawalan ng karapatan sa pagharap sa mga aplikasyon

– linawin ang mga patakaran ukol sa releasing ng visa para sa multiple entry

– pag-ibayuhin ang organisasyon ng mga konsulado at ang kolaborasyon sa pagitan ng mga ito,  halimbawa sa pamamagitan ng muling pagsusuri ng mga patakaran ng mga tanggapan para sa presentasyon ng mga aplikasyon, at pagaanin ang formation ng mga tanggapang ito at ang kanilang functions.

Improving visa procedures

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Miyembro ng pamilya at mga in-laws, maaari bang kasuhan ng criminal liability sa Pilipinas?

Limang paraan kung paano gamitin ang inyong 13th Month Pay at Christmas bonus