Mga insurance company, ayaw umatras, ipinagtatanggol ng Ania. Lawyer Guariso: ‘Iligal ito at isang uri ng diskriminasyon’
Ilang buwan na ang nakaraan, ang Genialloyd ay nangako na tatanggalin ang mga parameter ng nasyonalidad na ginagamit na pamantayan sa pagkalkola ng bayarin car insurance.”Ito ay nag sara sa isang kaso sa hukuman ng isang Tunisian na nag reklamo laban sa insurance company.
Kahit pa naninirahan sa Italya sa loob ng labing walong taon, ang mga imigrante ay nagbabayad sa isang taon ng higit na 200 € kumpara sa mga Italians. Sa katunayan, ito ay dahil lamang sa ipinanganak siya sa ibang bansa, at ang insurance company ay itinuturing mas mapanganib sa pagmamaneho.
Marahil dahil sa takot sa kasong diskriminasyon, at ang magiging danyos na salapi at imahine, ang Genialloyd ay umatras. Ngunit ilang kompanya ang susunod sa kanyang halimbawa?
Kami ay nag-imbestiga at nagkunwaring imigrante na may 30 taong gulang na kukuha ng car insurance sa unang pagkakataon at humingi ng kalkolasyon on line. Aming napag-alaman na tunay na mas mataas ang bayarin ng mga hindi italyano dahil ang nasyonalidad ay isang pamantayan sa kalkulasyon ng bayarin.
Pagkalipas ay aming natuklasan na ang ilang kumpanya tulad ng HDI, mula Hulyo 1 ay tatanggalin ang pamantayang ito. Ang pagtatanggal na ito ay magba-bahagi sa lahat ng mga naka insured ng ‘panganib’.
Magandang balita, ito para sa lahat ng mga dayuhan na sa mga nakaraang taon ay patuloy na nagbayad ng higit kaysa sa mga italyano.
Insurance Company – “Sa pamamagitan ng citizenship ay nagbabago rin ang panganib”
Ang Zurich Connect, gayunpaman, ay hindi umaatras. “Ang nasyonalidad ayon sa katibayan statistically, ay isa sa kadahilanan ng panganib sa ganitong pananaw, ay nakaka-apekto ito sa pagkakakalkula ng bayarin, kasama ng iba pang mga factors ( tulad ng edad, trabaho, uri ng sasakyan, distrito, etc) at naayon sa nasyonalidad ang uri at at pag-uugali ng pagmamaneho at itinuturing na isang uri ng panganib. “
Isang pagtatanggol mula sa National Association of Insurance Companies (Ania), na lumahok din sa isang teknikal na komite sa isyu na ito kasama ang ‘National Bureau laban sa Discrimination at ang Institute ng Insurance supervisors.
Ang Ania ay sumulat na “ang mga parameter ng nasyonalidad, sa sandaling na-verify ang katotohanan sa isang statistikal na batayan at ang malayang pagpili ng mga kompanya sa paggamit nito, ay ilalahad ang lahat ng iba pang mga kadahilanan na sanhi ng panganib at ito ay inilalapat sa kalkulasyon ng bayarin sa car insurance nang walang anumang dahilan ng diskriminasyon base sa tao o ng batayan ng etniko maging ng kanyang lahi”