Patuloy na dumadami ang mga nasawi sa trahedyang naganap noong Linggo sa baybayin ng Calabria.
Ayon sa pinakahuling utat, umakyat na sa 63 ang bilang ng mga namatay. Pinaniniwalaang patay na rin ang mga nawawalang tao sa listahan ng mga lulan ng bangkang literal na nagkahati-hati matapos sumalpok sa malalaki at malalakas na alon ng dagat ng Steccato di Cutro, malapit sa katimugang lungsod ng Crotone.
Tinatayang sakay ng bangka ang mula 180 at 250 asylum seekers. Karamihan ay mula sa Iraq, Iran, Afghanistan at Syria.
Nasa 80 katao naman ang nakaligtas bagaman marami sa mga kumpirmadong biktima ng trahedya ay kababaihan at mga bata.
Ang bangka ay nagmula sa Turkey at umalis apat na araw na ang nakakaraan.
Ayon sa mga ulat, tatlong katao na nauugnay sa sakuna ang pinaghihinalaang mga traffickers ang hinuli ng Italian authorities, kabilang ang isang Turkish national.