in

Mga Pinoy colf, paboritong biktima ng budol-budol

Natimbag ng pulisya, compagnia di Rho, ang isang grupo ng mga South Americans na nambibiktima ng mga matatanda at mga foreign domestic workers, partikular ang mga Pinoy. Dalawampu’t walo ang inaresto sa Milan kamakailan.

Patuloy ang mga report sa pulisya at mga ulat sa pahayagan na nagbibigay babala ukol sa bagong modus operandi na kilala ng mga Pilipino bilang budol-budol na paboritong biktima ay ang mga Pinoy colf.

Tulad ng unang inireport ng Ako ay Pilipino ilang taon na, hipnotismo o kakayahang pasunirin ang biktima ang ginagamit na paraan ng pagnanakaw. Karaniwang nalilinlang ang mga biktima nito sa umanoy pananalo sa lottery ng biktima o ang pagbibigay balato sa biktima matapos tulungan ang nanalo umano ng lottery.

Sa katunayan, “tocomocho” o lottery ticket scam ang kilalang tawag dito sa Italya.

Resulta, ang maamong pagsunod ng Pinoy colf hanggang sa patuluyin ito sa sariling tahanan at ibigay ang naitatabing alahas at ipon nito.

Sa katunayan, ayon sa report ng Il Quotidiano, “mula Enero hanggang Mayo 2018 ay umabot sa 40 ang naging operasyon ng tocomocho at umabot sa € 76,580 ang nanakaw ng mga ito, bukod pa sa mga alahas na nagkakahalaga ng € 160,000”.

Mula Milan hanggang Rome, mula Florence hanggang Mantova, ang naging target ng gang na binubuo ng 22 Peruvians, 3 Italians, 1 Colombian, 1 Cuban, 1 Egyptian.

Ang imbestigasyon ay sinimulan nitong Enero ng taong kasalukuyan.

 

Basahin rin:

Ilang Pinoy sa Milan, nabiktima gamit ang hipnotismo

Ilang Pilipino, biktima ng “budol-budol” sa Firenze

Budol-budol:Hipnotismo ba o matatamis na pananalita lamang?

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Gastusin para sa mga caregivers, mataas na rin ayon sa DOMINA

Decreto Salvini, aprubado na sa Chamber of Deputies