in

Mga rehiyon nanganganib, 6 sa zona arancione at 1 sa zona rossa

Bagong dekreto anti-Covid19 sa Italya, narito ang nilalaman

Patuloy na sumailalim ang Italya sa restriksyon batay sa klasipikasyon ng kulay:  ang zona Rossa – rischio alto o high risk,  ang Zona Arancione – rischio medio-alto o average-high risk, at ang zona Gialla – rischio moderato o moderate risk.

Sa March 5, ay magtatapos ang DPCM na ipinatutupad sa kasalukuyan at ang governo Draghi ay inaasahang magdedesisyon ukol sa mga ipatutupad na restriksyon sa mga susunod na buwan. 

Kaugnay nito, batay sa ulat ng Istituto Superiore di Sanità at ng Ministry of Health, anim na rehiyon ang nanganganib na maging zona arancione simula sa Biyernes. Ito ay ang mga rehiyon ng Lombardia, Lazio, Emilia-Romagna, Friuli-Venezia Giulia, Marche at Piemonte. At mula zona arancione ay nanganganib din ang Abruzzo na maging zona rossa.

Sa kabila ng mga paalala ng mga eksperto at tekniko ukol sa mga variants na kumakalat sa bansa, ay pinaniniwalaang magpapatuloy ang pagsasailalim sa zona rossa ng mga lugar kung saan lamang mabilis ang pagkalat ng mga bagong variants. At marahil ang pagsasailalim sa lockdown ng bansa tuwing weekend lamang. 

Gayunpaman, sa kawalan pa ng malinaw na direksyon at kaguluhan sa mga restriksyon  kung paano maiiwasan ang kinatatakutang third wave, narito ang kasalukuyang ‘kulay’ ng mga rehiyon ng bansa. 

Zona Gialla: Calabria, Campania, Basilicata, Emilia-Romagna, Friuli-Venezia Giulia, Lazio, Lombardia, Marche, Molise, Piemonte, Puglia, Sardegna, Sicilia, Valle d’Aosta at Veneto.

Zona Arancione : Abruzzo, Liguria, Toscana, Provincia Autonoma di Bolzano, PA di Trento at Umbria.

Sa kabila ng mga kulay ng mga rehiyon, ay maraming lugar o Comune na ang sumasailalim sa zona rossa. Karamihan sa mga ito ay ang mabilis na kumakalat na bagong variants. Pinakahuli ay ang apat na lugar sa Lombardia. 

Narito ang mga lugar sa ilalim ng zona rossa:

Lombardia – 4 na lugar ang lockdown simula Feb 17 hanggang Feb 24.

  • Breasciano sa Castrezzato 
  • Varesotto sa Viggiù
  • Pavese sa Mede
  • Bollate sa Milano

Marche – Hanggang ore 24 ng Feb 20 ay may restriksyon sa pagpunta at paglabas ng provincial di Ancona. 

Abruzzo – Simula Feb 14, ang Abruzzo ay nahahati sa dalawang bahagi. Chieti at Pescara ay nasa ilalim ng zona rossa 

Lazio – Mula Feb 15 at sa susunod na 14 na ara way zona rossa ang Roccagorga sa Latina. 

Umbria – Simula Feb 7 ay nasa ilalim ng zona rossa ang buong Provincia di Perugia at anim na Comuni ng Ternano (Lugnano in Teverina, Attigliano, Calvi dell’Umbria, Amelia, San Venanzo e Montegabbione). 

Molise – Simula Feb 8, 28 Comune ng Basso Molise ang nasa zona rossa. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Assegni per il nucleo familiare numeroso Ako Ay Pilipino

Assegni per il nucleo familiare numeroso, narito kung paano mag-aplay

Ako Ay Pilipino

Pagbabakuna ng AstraZeneca, inihinto sa Germany dahil sa side effects nito