in

Mga telephone numbers para sa impormasyon ukol sa Reddito di Cittadinanza: mula aplikasyon hanggang sa pagtanggap ng benepisyo

Marami ang mga beneficiaries ng reddito o pensione della cittadinanza na nangangailangan ng karagdagang impormasyon at tulong, mula sa aplikasyon hanggang matanggap ito at magamit sa tamang paraan ang Rdc card.

Dahil sa mga nabangiit na pangangailangan, ang Inps at Poste Italiane ay may nakatalagang mga toll free number o numero verde na maaaring tawagan ng mga beneficiaries.

Tandaan na ang Inps ay maaari lamang tugunan ang mga katanungan ukol sa aplikasyon hanggang sa kung positibo ang resulta nito. Samantala, ang Poste Italiane naman ang makakatugon sa mga katanungan ukol sa pagtanggap ng tulong pinansyal at sa paraan ng tamang gamit nito.

Dahil dito ay mayrong iba’t ibang numero verde na dapat tawagan batay sa pangangailangan. Bukod pa sa tulong online sa website nito na inilaan ng gobyerno. Mayroon din partikular na seksyon na nakalaan lamang sa pagtanggap ng impormasyon tulad ng mga requirements.

Para magkaroon ng access, sa bandang ibaba ng homepage, i-click lamang ang “Chiedi supporto” at sagutan ang form: bukod sa mga requirements, ang resulta ng aplikasyon at ang personalized program ng mga tatanggap ng benepisyo.

Para naman sa mga telephone number ng Inps na maaaring tawagan upang malaman ang estdao ng aplikasyon, ay maaaring tawagan ang 800 164 mula landline. Ang mga operators ay sumasagot mula Lunes hanggang Biyernes mula 8 ng umaga hanggang 8 ng gabi at sabado mula 8 ng umaga hanggang 2 ng hapon.

Mula sa cellular phones naman ay 06164164 sa parehong oras ngunit may bayad batay sa carrier.

Samantala kung tanggap at positibo ang aplikasyon ay Poste Italiane naman ang magre-release ng RdC card. At para sa mga impormasyon ukol sa pagtanggap ng benepisyo, tawagan ang toll free number ng Poste italiane 803 160 mula Lunes hanggang Sabado, mula 8 ng umaga hanggang 8 ng gabi.  Ito ay libre mula sa mga cellular phones.

Mula land line naman ay dapat tawagan ang 199 100 160. Ang tawag ay hindi libre.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga Dapat Malaman Tungkol sa Pap Smear o Papanicolaou Test

Civil Union, pinahihintulutan ba ng batas ng Italya?