in

Minimum wage ng mga colf at badante, bahagyang tumaas ngayong 2025

Naitala ang bahagyang pagtaas sa minimum wage ng mga colf, caregiver (badante), at baby sitter para sa taong 2025. Ang pagtaas ay katumbas ng 0.96% ng sahod noong 2024, alinsunod sa CCNL at mga pinakabagong pagbabago sa batas. Narito ang bagong salary table sa domestic job ngayong 2025.

Kamakailan, isang meeting ang isinagawa sa Ministry of Labor sa pagitan ng mga organisasyon ng mga manggagawa at mga employer kabilang ang Nuova Collaborazione, Assindatcolf, Adld, at Adlc, upang i-update ang minimum na sahod ng mga colf, caregiver, at baby sitter para sa 2025. Ang mga pagbabagong ito ay batay sa inflation rate ng 2024.

Bagama’t hindi pa naipapalabas ang opisyal na ministerial decree, inilathala na ng mga asosasyong sumusuporta sa mga employer ang bagong salary table.

Ang bagong salary table ay magiging epektibo mula January 1, 2025.

Paalala: Ang taunang pagtaas ng sahod ay isang obligasyong itinatakda ng national labor contract (CCNL).

Minimum wage sa taong 2025 sa domestic job

Ang itinakdang pagtaas ng sahod ay bahagya lamang, katumbas ng 0.96% kumpara sa nakaraang taon. Ang pagtaas na ito ay 80% ng indeks ng ISTAT para sa suweldo at 100% para sa mga benepisyo sa pagkain at tirahan.

Dahil dito, ang mga bagong halaga ay ang mga sumusunod:

Suweldo ng Non-Live-in Colf Polifunzionale (Antas B)

Para sa isang colf polifunzionale na may 9 oras ng trabaho bawat linggo, ang minimum na sahod ay tataas mula €6.62 sa €6.68 kada oras, na katumbas ng humigit-kumulang €260.50 bawat buwan.

Para sa isang colf polifunzionale na may 25 oras ng trabaho bawat linggo, ang minimum na sahod ay tataas mula €6.62 sa € 6.68 euro kada oras, na katumbas ng humigit-kumulang 724 euro bawat buwan.

Suweldo ng Non-Live-in Baby Sitter (Antas BS)

Para sa isang baby sitter na may 9 oras ng trabaho bawat linggo, ang minimum na sahod ay tataas mula €7.03 sa € 7.10 euro kada oras, na katumbas ng humigit-kumulang €280 bawat buwan.

Para sa isang baby sitter na may 25 oras ng trabaho bawat linggo, ang minimum na sahod ay tataas mula €7.03 sa € 7.10 euro kada oras, na katumbas ng humigit-kumulang €780 bawat buwan.

Suweldo ng Non-Live-in Baby Sitter (Antas BS, May Alagang Bata na Mas Bata sa 6 na Taon)

Para sa isang baby sitter na may 9 oras ng trabaho bawat linggo, ang minimum na sahod ay tataas mula €7.82 (7.03 + 0.79) sa €7.90 (7.10 + 0.80) kada oras, na katumbas ng humigit-kumulang €308 bawat buwan.

Para sa isang baby sitter na may 25 oras ng trabaho bawat linggo, ang minimum na sahod ay tataas mula €7.82 (7.03 + 0.79) sa € 7.90 (7.10 + 0.80) kada oras, na katumbas ng humigit-kumulang €855 bawat buwan.

Suweldo ng Non-Live-in Caregiver (Badante, Antas CS)

Para sa isang caregiver na nag-aalaga ng isang taong non-self-sufficient at may 9 oras ng trabaho bawat linggo, ang minimum na sahod ay tataas mula €7.83 sa €7.91 kada oras, na katumbas ng humigit-kumulang €308.50 bawat buwan.

Para sa isang caregiver na nag-aalaga ng isang taong non-self-sufficient at may 25 oras ng trabaho bawat linggo, ang minimum na sahod ay tataas mula €7.83 sa € 7.91 euro kada oras, na katumbas ng humigit-kumulang €857 bawat buwan.

Suweldo ng Live-in Caregiver (Badante, Antas CS)

Para sa isang caregiver na nag-aalaga ng isang taong non-self-sufficient at may 54 oras ng trabaho bawat linggo, ang minimum na sahod bago ay tataas mula €1,127.04 sa €1,137.86 kada buwan, kasama ang benepisyo sa board and lodging na tataas mula €169.52 sa €171.60 bawat buwan.

Ang halaga ng board and lodging, na isang obligasyong itinakda sa kontrata, ay bahagi ng kabuuang aktwal na sahod at ipapatupad ayon sa mga patakaran ng CCNL.

Mahalagang tandaan na kung ang isang manggagawa ay may mas mataas na suweldo kaysa sa minimum, ang pagtaas na ito ay maaaring ma-absorb o isama na sa una nang napagkasunduang sahod.

Sources: Ministero del Lavoro e delle Politiche Sociali, ACLI

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 5]

From Vlogging to Billboards:  Alamin ang nakaka-proud na kwento ni Raga Chad