Inaprubahan ang bagong minimum wage sa domestic job sa taong 2022. Ang pagbabago taun-taon ay batay sa pagtaas ng Istat index variation na tinatayang 2.88%.
Nilagdaan ng National Committee na binubuo ng mga organisasyon ng mga employers at labor unions na pumirma ng Contratto Collettivo Nazionale del Lavoro Domestico: FIDALDO, DOMINA, FEDERCOLF, FILCAMS CGIL, FISASCAT CISL at UILTUCS ang updated minimum wage sa domestic job ngayong taon. Sa pamamagitan ng videoconference noong nakaraang Feb 2, kasama ang Ministry of Labor at Social Policies, ay naitalaga ang bagong halaga ng minimum wage.
Nagtalaga ang CCNL ng iba’t ibang antas sa domestic job: A, B, C, D at bawat antas ay maaaring base o super. Ang minimum wage ay nag-iiba ayon sa antas at kung ang manggagawa ay live-in o part-timer, kung nagbibigay assistance o presence lamang o bilang substitute. Pagkatapos ay ang allowance para sa board and lodging para sa mga babysitter ng mga bata hanggang 6 na taong gulang, para sa mga nag-aalaga sa higit sa isang non-autonomous at para sa mga certified workers.
Ang bagong halaga ng minimum wage ay ipatutupad simula January 2022. Ito ay retroactive.