AstraZeneca sa first dose at Pfizer o Moderna sa ikalawang dose. Narito ang Circular ng Ministry of Heath ukol sa paggamit ng mix vaccines sa Italya matapos ang approval mula sa Agenzia Italiana del Farmaco (AIFA).
Ipinatutupad ng Ministry of Health sa pamamagitan ng isang Circular na pinirmahan ni Prevention General Director Gianni Rezza, matapos ang awtorisasyon ng AIFA at opinyon ng Commissione Tecnico Scientifica CTS, ang ukol sa paggamit ng heterologous covid vaccination o ang paggamit ng mix vaccines sa Italya, sa lahat ng mga mamamayan na may edad 60 anyos pababa sa na nabakunahan na ng AstraZeneca sa first dose ang paggamit ng Pfizer o Moderna sa ikalawang dose ng bakuna.
Sa katunayan, nilalaman ng Circular ang opinyon na ipinahayag ng Technical Scientific Commission (CTS) at ng Agenzia Italiana del Farmaco (AIFA) ukol sa heterologous covid vaccination.
Binanggit din sa nasabing dokumento ang dalawang mahalagang pag-aaral ukol dito – isang Espanyol at isang Ingles – bilang batayan sa naging opinyon ng CTS.
Sa puntong ito, para sa mga mamamayang may edad 60 anyos pababa at nabakunahan ng AstraZeneca sa unang dose ay obligadong kumpletuhin ang bakuna sa pamamagitan ng ikalwang dose ng vaccine mRNA – Comirnaty (Pfizer) o Moderna, na may pagitan mula 8 hanggang 12 linggo mula sa unang dose. (PGA)