in

Motor at Monopattino: 16-anyos na Pinay, biktima ng aksidente sa Trento

Hindi pa man nakakarekober ang komunidad ng mga Pilipino sa Italya sa pagkamatay ng isang kababayan na nasagasaan sa Roma ay isa na namang malungkot na balita ang lumabas sa mga pahayagan.

Gabi ng araw ng Huwebes, ika-28 ng buwang kasalukuyan ng naganap ang aksidente. Ang biktima ay isang menor de edad, 16-anyos na Pinay. Tumatawid umano ito sa tamang tawiran na hila-hila ang kanyang monopattino, nang bigla itong nabangga ng humaharurot na motor, dahilan upang makaladkad at tumilapon ang dalaga ng humigit kumulang na 30 metro. Sa lakas ng impact ay nahati ang monopattino sa dalawa. Ang motorosta naman ay sumalpok sa guardrail.

Agad na rumisponde ang ilang rescue teams ngunit wala ng nagawa ang mga ito upang mailigtas si Aliyah Freya Macatangay. Agad itong binawian ng buhay dahil sa matinding tama na tinamo nito sa buong katawan.

Ang motorista naman na 22-anyos ay nadala pa sa Santa Chiara Hospital ngunit di rin ito nailigtas. Makalipas ang ilang oras ay binawian din ito ng buhay.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa madugong trahedya. (ni Quintin Kentz Cavite Jr)

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 5]

Biktima ng hit and run, binawian na ng buhay

Araw ng Panalangin, inialay kay Grace Duque ng Filipino Community sa Roma