in

Biktima ng hit and run, binawian na ng buhay

Matapos malagay sa kritikal na kundisyon ay binawian na ng buhay ang 42 anyos na biktima ng malagim na aksidente sa Largo Preneste sa Roma.

Si Grace Duque, bandang 6:30 ng umaga, araw ng Miyerkules, habang papunta ng trabaho ay nasagasaan ng Fiat Panda na kulay puti na sa halip na saklolohan, ang driver ng sasakyan ay tumakas nang humarurot papalayo sa lugar ng aksidente.

Ayon sa ilang ulat, ang Fiat Panda, isang sasakyang for rent, matapos makasagasa ay nakabannga pa ng ilang sasakyan, isang Ford Focus, Fiat Panda at Toyota Corolla.

Matatandaang sa unang ulat ng Ako ay Pilipino ay nasa kritikal na kundisyon ang biktima.

Ang buong filipino community ay nagdadalamhati sa pagpanaw ng ating kababayan at patuloy na nanalangin para sa pag-usad ng mga katibayang nakalap at makakalap pa upang makamit ng biktima ang hustisya at harapin ang karampatang parusa ng mga tinaguriang ‘pirati della strada’.

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Pinay, kritikal sa hit and run sa Roma

Motor at Monopattino: 16-anyos na Pinay, biktima ng aksidente sa Trento