in

Pinay, kritikal sa hit and run sa Roma

Nasa kritikal na kundisyon si Grace Duque matapos mabiktima ng hit and run sa Largo Preneste Roma. Bandang alas 6:30 ng umaga, araw ng Miyerkules ng maganap ang insidente.

Kasalukuyan pang inaalam at iniimbestigahan ng awtoridad ang bawat detalye ng mga pangyayari.

Tanging isang post sa social media ng nagngangalang Marcello Penta ang pinanghahawakang impormasyon ng pamilya at mga malalapit na kaibigan.

Ayon sa post, isang lalaki ang sakay ng Fiat Panda bianca ang tumakas matapos makasagasa ng isang babae na tinakbuhang nakahandusay sa kalsada. Ayon pa sa post, 15 minuto na ang nakakalipas ngunit wala pang dumadating na saklolo.

Sa picture na naka-post, makikita ang ilang taong sumaklolo sa biktima. Mapapansin din na ang kuha sa litrato ay nagmula sa itaas.

Nanawagan ang pamilya at mga mahal sa buhay ni Grace Duque sa mga kababayang posibleng nakakita sa mga pangyayari o makakapagbigay ng anumang impormayson. Bawat impormasyon ay malaki ang maitutulong upang mabigyang katarungan ang sinapit ni Grace.

Kaugnay nito, hiling din ng mga mahal sa buhay ni Grace ang patuloy na panalangin para sa kanyang kritikal na kundisyon at para sa pag-usad ng mga katibayang nakalap at makakalap pa upang makamit niya ang hustisya at harapin ang karampatang parusa ng mga tinaguriang ‘pirati della strada’.

Click to rate this post!
[Total: 5 Average: 4.2]

Sino ang may karapatan sa vitto e alloggio sa domestic job? Ano ang katumbas na halaga nito?

Biktima ng hit and run, binawian na ng buhay