in

Outdoor smoking, ipagbabawal sa Italya

Makalipas ang dalawampung taong pagpapatupad ng Sirchia law o ang pagbabawal sa paninigarilyo sa lahat ng indoor places, isinusulong ngayon ni Italian Health Minister Orazio Schillaci ang isang bagong panukala ng paghihigpit sa paninigarilyo. Ito ay ang pagpapalawig ng NO Smoking kahit sa outdoors.

Ang pagpapalawig ng NO Smoking ay hindi lamang para sa mga tradisyonal na sigarilyo bagkus ay kasama din ang mga e-cigarettes, hindi lamang sa indoors kundi maging sa outdoors.

Saan ipagbabawal ang paninigarilyo (batay sa panukala)?

Tulad ng nangyayari na sa ilang lungsod sa Europa, layuning ipagbawal ang tradisyunal na pagsisigarilyo pati ang paggamitn ng mga e-cigarettes kahit sa outdoor tables ng mga bar at restaurants.

Ipagbabawal din ang paninigarilyo sa mga bus stops ng metro, bus, tren at ferry stop.

Ang mga smoking area sa mga airports at restuarants ay isinusulong na tatanggalin din.

Palalawigin din ang pagbabawal sa mga e-cigarette at heated tobacco products tulad ng iqos sa mga parke sa presensya ng mga bata at mga buntis na kababaihan.

Samantala, nagpahayag naman ng hindi pagsang-ayon si Minister of Infrastructure and Transport, at Deputy Prime Minister, Matteo Salvini. Aniya, malaki ang tulong ng mga e-cigarettes sa napakaraming tao na huminto sa traditional cigarettes. “Bilang ex-smoker na tumigil 4 yrs ago, ang stop smoking outdoor ay sobra naman!”, komento ni Salvini sa social media.

Gaano karami ang mga naninigarilyo sa Italya?

Ayon sa mga pinakahuling datos mula sa Istituto Superiore di Sanità (ISS), ang bilang ng mga naninigarilyo sa Italya ay tumaas sa 24.2% mula 2020 hanggang 2022. Kabaligtaran ng mga datos mula 2003 hanggang 2020 na nagtala ng pagbaba mula 33% sa 22%. Samakatwid, nadagdagan ng 800,000 ang mga smokers mula sa 11.6 milllion smokers 2 yrs ago.

Bukod dito, tumaas din ang mga users ng mga e-cigarettes. Ayon sa ISS tumaas mula 1.7% ng 2019 sa 2.4% ng 2022. Ang increase ay tumutukoy sa 1.2 million katao. At karamihan ay users ng parehong traditional at electronic cigarettes.

Kaugnay nito, mas mataas ang naitalang users ng mga heated tobacco products, kilala bilang Iqos. Simula 2019 ay triple ang idinami ng mga users, mula 1.1% sa 3.3% sa taong 2022. Sa kasalukuyan, ang ganitong uri ng sigarilyo ay ginagamit ng 1.7M katao sa Italya.

No Smoking sa Europa

Sa Europa, ang Sweden ang nanguna sa paglaban sa paninigarilyo. Ang Stockholm naman ang may pinakamababang bilang ng mga smokers sa EU matapos ipatupad noong 2019 ang stop smoking sa mga outdoor tables ng mga bars at restaurants, pati na rin sa mga bus stops at mga playgrounds. Layunin naman ng Spain na mabawasan hanggang 30% ang tobacco consumptions hanggang 2025. Dahil dito ay ipinagbabawal ang paninigarilyo sa mga schools, hospitals at mga parks. Samantala simula 2021, ay ipinagbabawal din ang paninigarilyo sa beach. Isinasaalang-alang din ng gobyerno ng Spain ang pagbabawal ng paninigarilyo sa mga outdoor tables ng mga bars at restaurants, isang hakbang na ginagawa na sa anim na rehiyon, kabilang ang Balearics, Canary Islands at ang Valencian Community. Sa France, ang pagbabawal, sa lahat ng indoor places, ay pinalawig din sa mga e-cigarette users sa public transportation. Sa Germany, gayunpaman, ipinagbabawal ang paninigarilyo sa mga private at government offices at pulic transportation, ngunit may exemption sa ilang mga rehiyon. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Cobra GUARDIANS ng Firenze at Pisa, sabay na nagdiwang ng anibersaryo

Ako Ay Pilipino

Ano ang ibig sabihin ng Tregua Fiscale?