Pinalawig ng gobyerno ni Meloni hanggang March 2023 ang bonus bollette, bagaman mayroong mga pagbabago.
Narito ang mga bagong requirements
Sa inaprubahang Budget law, upang matanggap ang bonus bollette, itinalaga ng executive ang bagong limitasyon sa halaga ng ISEE, mula €12,000 (hanggang December 31, 2022) sa €15,000 ngayong 2023. Samantala, €20,000 para sa pamilyang mayroong 4 na dependent (o a carico) na anak. Makakatanggap din ng bonus ang miyembro ng pamilya na tumatanggap ng Reddito di Cittadinanza.
Itinalaga ng Arera o o Autorità di Regolazione per Energia Reti e Ambiente, na dapat ay naka-pangalan ang bill – gas o electricity – sa miyembro ng pamilya.
Bukod dito, ang halaga ng babayarang bill ay dapat na ‘uso domestico’ at dapat na nasasaad na aktibo para sa gamit pamilya: samakatwid ay para sa residential use at hindi commercial use. Maaaring isang independent unit o kung sakaling sa condominium nakatira, dapat ay mayroong centralized supply ng tubig (sa ilang mga kaso, kahit gas).
Para naman matanggap ang bonus idrico, bukod sa active domestic use ay maaaring pansamantalang suspendido dahil sa unpayed bills. Samantala, nananatili sa € 8265,00 ang ISEE at €20,000 naman para sa pamilya na mayroong 4 na dependent na anak.
Paano matatanggap ang bonus bollette 2023
Mas pinadali ang proseso upang matanggap ang bonus bollette. Ito ay awtomatikong matatanggap at samakatwid ay hindi na kailangan ang magsumite ng anumang aplikasyon. Kailangan lamang gawin ang DSU o Dichiarazione Sostitutiva Unica, (isang dokumentong naglalaman ng personal na data, kita at asset ng pamilya) upang magkaroon ng ISEE na magpapahintulot sa Arera na masuri ang mga kwalipikado sa bonus.
Ang halaga ng bonus bollette 2023
Mula sa minimum na humigit-kumulang €265 hanggang sa maximum na €379 quarterly. Ito ang halaga ng bonus para sa kuryente. Gayunpaman, ito ay nag-iiba batay sa bilang ng miyembro ng pamilya (mula single o mag-asawa hanggang sa higit sa 4 na miyembro ng pamilya). Para sa bill sa gas naman, ay kailangang isaalang-alang ang bilang ng miyembro ng pamilya at ang climatic zone kung saan nakatira. Sa kasong ito, nag-iiba ang diskwento sa pagitan ng €126 at higit sa €2,000 bawat quarter.
Paano malalamang kung makakatanggap ng bonus bollette 2023
Para malaman kung makakatanggap ng bonus bollette, magpunta lamang sa website www.bonusenergia.anci.it at mag-log in gamit ang codice fiscale.
Maaari ring tumawag sa toll-free number, 800.166.654, o magpunta nang personal sa pinagkakatiwalaang Caf. (PGA)
Basahin din:
- ISEE, bakit mahalaga at paano magkaroon nito?
- Bonus bollette 2022, mas dadami ang makakatanggap
- Bonus bollette 2022, ginawang retroactive. Ano ang ibig sabihin nito?