in

Paano susukatin ang lakas at kapangyarihan ng isang pasaporte?

Sa isang napaka-simpleng paraan ay masusukat ang lakas at kapangyarihan ng pasaporte. Ito ay sa pamamagitan ng dami ng bilang ng mga visa-free access na bansa dahil sa hawak na pasaporte.

At ang gumagawa nito ay ang Henley Passport Index o HPI na simula pa noong 2015 ay nagsusuri at pinagsasama-sama ang resulta nito para sa isang yearly report. Hanggang 2018, ang HPI ay tinatawag na HPVRI o Henley & Partners Visa Restrictions Index.

Ang sa taong 2019 ay inilabas muli ang ranggo ng mga pasaporte mula sa pinaka malakas sa buona mundo. At nangunguna sa listahan bilang pinaka malakas na pasaporte sa buong mundo ay dalawa: Japan at Singapore. Ito ay nangangahulugan na maaaring pumasok ang mga Japanese at Singaporean passport holders sa 189 bansa na may visa -free access. Ito ay sa loob ng 196 na kinikilalang bansa sa mundo.

Samantala, pumapangalawa naman sa ranggo ang South Korea, kasama ang mga bansang Finland at Germany. Ang mga mamamayan ng mga bansang nabanggit ay maaaring makapasok sa 187 countries na visa-free access o hindi nangangailangan ng entry visa.

Pumangatlo naman sa listahan ang Italya, kasama ang mga bansang Denmark at Luxembourg kung saan garantisado naman ang pagpasok sa 186 countries na visa free.

Sumunod sa listahan ang France, Spain at Sweden ang ila-apat na may 185 visa-free access destination.

Samantala, ang Pilipinas naman ay nasa ika-80 sa listahan kung saan kasama ang Ghana at Zimbabwe ay mayroong 64 countries na visa-free access.

Gayunpaman, isa sa naitalang mahalagang pagbabago ng Henley Passport Index 2019 ay ang pagpasok sa first 20 countries ng United Arab Emirates. Ito ang unang pagkakataon ng nabanggit na bansa sa kasaysayan ng index. Ang UAE sa nakalipas na limang taon ay dumoble ang bilang ng mga visa free country destinations, at sa ngayon ay nasa ika-dalawampung posisyon kasama ang Croatia at San Marino, na may 167 countries kung saan maaaring makapasok sa pagkakaroon ng pasaporte lamang.

Sa ibaba ng index ay makikita ang tatlong mga bansa na nasa digmaan at dahil na rin sa political instability. Ito ay ang Syria (29 visa free countries), Iraq (27 visa free countries) at Afghanistan, na may access sa 25 destinasyon sa buong mundo.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

The Guardians Brotherhood, INC. The Originals, Nagdaos ng ika-5 taong Anibersaryo

Search for Mr & Miss Bulilit South Italy 2019, ginanap sa Messina