Ito ang hatol ng Constitutional Court matapos magsampa ng reklamo ang isang couple Italo-Brasilian. Sa kasalukuyan ay walang anumang batas at panukala lamang. Kakailanganin pa rin ang maghintay upang ganap na magamit ang apelyido ng Ina at maisama ito sa apelyido ng Ama. Narito ang mga detalye.
Roma, Nobyembre 16, 2016 – Ayon sa pinakahuling hatol ng Constitutional Court ay posibleng ibigay ang apelyido ng Ina sa mga anak at hindi umano naaayon sa batas ang awtomatikong pagbibigay ng apelyido ng ama. Bukod dito, ang mga magulang ay maaaring mag-desisyon kung dalawang apelyido ang ibibigay sa anak at sa kawalan ng kasunduan, ayon sa panukala (disegno di legge) ng 2014, ay nasasaad ang pagbibigay ng dalawang apelyido batay sa alpabetikong order.
Hindi naaayon sa batas ang awtomatikong pagbibigay ng apelyido ng Ama sa mga anak
Sa website ng Consulta ay inilathala ang pahayag ng Constitutional Court na nagsasaad ng “sa pagkakaroon ng ibang kagustuhan ng magulang ay hindi ayon sa batas ng awtomatikong pagbibigay ng apelyido ng ama sa legittimate child”.
Ayon pa dito, ang mga magulang ay malayang magbigay umano ng kanilang parehong apelyido o ang pumili ng isa sa dalawang apelyido at samakatwid ang awtomatikong pagbibigay ng apelyido lamang ng ama ay hindi naaayon sa batas, ngunit sa kasalukuyan ay walang anumang batas ang ipinaiiral ukol dito.
Ang Batas at ang Pagbibigay ng Apelyido
Sa kasalukuyan ay walang anumang batas ukol sa pagbibigay ng apelyido, mayroon lamang panukala, na inaprubahan ng Chamber of Deputies noong 2014 kung saan ay nagbibigay ng posibilidad ng pagbibigay ng parehong apelyido sa anak, ngunit ang Senado ay wala pang anumang desisyon hanggang ang panukala ay maging ganap na batas. Ang hatol na nabanggit ang maaaring magtulak sa Senado upang ganap na aprubahan ito at isabatas.
Sa katunayan, kung ang mga magulang ay hindi magkaroon ng kasunduan, ayon sa hatol ng Constituional Court, ang anak ay magtataglay ng apelyido ng ama tulad ng normal na nagaganap sa kasalukuyan.
Batay pa rin sa ipinaliwanag ng Korte, nagsampa ng reklamo ang isang couple Italo-Brasilian matapos na pagkaitan ang anak ng pagtataglay ng parehong apelyido. Ayon sa hatol ukol dito na hindi ayon sa batas ang pagbibigay ng tanggapan ng apelyido lamang ng ama.
Pagtatalaga ng apelyido ayon sa alphabetical order
Ayon sa panukala na isinulong sa Senado noong 2014, kung ang magulang ay hindi hahantong sa isang kasunduan, ang pagbibigay ng apelyido ay magiging batay sa aphabetical order.
Kakailanganin ang maghintay upang ganap na magamit ang apelyido ng ina at maisama ito sa apelyido ng ama.