Ang mapanganib na Blue Whale Challenge ay ang online suicide game na sa pamamagitan ng isang virtual adult (o curatore) ay nakikipag-connect sa mga kabataan na nag-uutos sa mga ito na sundin ang 50 hamon – isa kada araw na tumatagal ng 50 araw hanggang sa pagpapakamatay.
Matapos ang tila paghahanda at ma-brain washed ang mga kabataan, karamihan ay mga menor de edad, ay dahan-dahang hinahamon ang mga ito na saktan ang mga sarili o di kaya’y sa pamamagitan ng mapanganib na aksyon tulad ng pagdukwang sa mga rooftops o mga bintana (o parusahan ang mga sarili sa pagkakataong hindi makakasunod sa hamon) hanggang sa utusan ang mga ito sa pagpapakamatay o mag-suicide.
Ito ang mapanganib na Blue Whale Challenge, ang online game na sa pamamagitan ng isang virtual adult (o curatore) ay nakikipag-connect sa mga kabataan online na nag-uutos sa mga ito na sundin ang 50 hamon – isa kada araw na tumatagal ng 50 araw.
Ito ay nagsimula sa Russia at naging dahilan ng pagpapakamaty ng higit sa isang daang mga kabataan na halos lahat ay tumalon mula sa rooftop ng matataas na gusali habang ang mga ka-edad na kasali sa online game naman ang naatasang mag-video. Ang mga kabataang nag-suicide ay itinuturing na pinaka-matapang at leader ng mga kasapi.
Ngunit ang mapanganib ay ang pagkukubli rin nito sa Whatsapp group o ibang social kung saan ang mga kabataan ay nahaharap sa iba’t-ibang yugto ng mga hamon at hinihimok ang bawat isa na sundin ang mga mapanganib na utos habang ang mga ito ay pinapanatiling segreto at ikinukubli sa mga matatanda na tila normal ang lahat ng bagay tulad ng nasasaad sa challenge number 1.
Sa kasamaang-palad, ayon sa tv transmission na Iene noong nakaraang May 14, ang unang biktima ng blue whale challenge sa Italya, isang kabataang 15 anyos ay nag-suicide noong Feb 4 sa Livorno sa pamamagitan ng pagtalon mula sa 26th floor ng pinakamataas na gusali ng lungsod.
Kamakailan, isang 13 anyos sa Pescara ang nasa huling bahagi na ng challenge at inukit sa sariling balat sa braso ang itsura ng blue whale ang nasagip sa tulong ng mga kaibigan nito, ayon sa ulat ng ilgiornale.it
Dahil sa patuloy na pagkalat ng suicide game sa web at social, ang awtoridad ay nagpalabas ng mga babala para sa mga magulang at maging sa mga kabataan.
“Walang laro o anumang hamon sa pamamagitan ng isang hindi kilalang tao ang may karapatang maglagay ng alinlangan sa halaga ng buhay; ipagbigay-alam agad at i-report sa awtoridad ang anumang uri ng hamon o pag-uutos ng pananakit sa sarili, pagkitil sa mga hayop at lalong higit ng pagtatanggal sa sariling buhay” sa:
– www.commissariatodips.it
– www.facebook.com/unavitadasocial
– www.facebook.com/commissariatodips
Huwag mag-alinlangang humingi ng tulong. Kung sakaling napag-alamang ang anak o kakilala ay nakasali na o sumunod na sa ilang hamon o pag-uutos ng challenge ay huwag mag-atubuling humingi ng tulong. Maaaring biktima ito ng pangbe-brain wash ng challenge at malaki ang maitutulong upang masagip sa kapahamakan ang anak, kaibigan o kakilala.
Bantayan ang mga anak. Mahigpit ang pag-uutos ng challenge na ito ay itago sa mga nakakatanda partikular sa mga magulang at mga guro. Bilang mga menor de edad, ang mga magulang ay may karapatang kontrolin ang mga telepono, kilalanin ang mga grupong sinasalihan sa WhatsApp, Facebook, Istagram, Twitter o iba pang mga social at panatilihin ang maayos na komunikasyon sa mga ito upang iwasan ang pagtatago o paglilihim ng mga ito.
Kausapin ang mga anak. Bagaman maselan ang mga bagay na ito, magbigay ng babala ukol sa pahamak na maidudulot nito.
Para naman sa mga kabataan, kung sakaling nakasali na o sumunod na sa ilang hamon o pag-uutos ng challenge maaari pa ring huminto at patunayang ikaw ang unang responsabile sa sarili mong buhay. Samantala, kung mayroong kakilala na bahagi ng Blue Whale challenge, huwag mag-atubuling kausapin ito o ipagkatiwalang sabihin ito sa nakakatanda.
PGA