Paggamit ng helmet, pagkakaroon ng 18 anyos at speed limit na 30km per hr: ito ang mga ilan sa nilalaman ng panukala ukol sa paggamit ng monopattino sa Italya, na sinusuri ng Transport Commission ng Kamara.
Layunin ng pagsusulong ng panukala ay upang magbigyan ng patakaran ang walang kontrol na paglitaw ng mga monopattino sa mga pangunahing lungsod ng bansa at samakatwid, higit na seguridad sa mga kalsada dahil sa patuloy na pagdami ng naitatalang mga aksidente kung saan sangkot ang paggamit ng e-scooter.
Ang Komite ng Transport sa Kamara ay gumawa ng isang ad hoc bill ukol sa mga pangunahing puntos tulad ng speed limit. Kasama na rito ang pangangailangang magkaroon ng kaayusan sa mga kalsada dahil na rin makikitang nagkalat ang parking ng mga e-scooters sa mga kalsada.
Narito ang mga pangunahing punto ng panukala ukol są paggamit ng monopattino:
- Speed limit na 20 km per hr sa mga bicycle lane at 30 km per hr sa mga kalsada at sa mga lugar ng pedestrian ay 6 km per hr. Pagbabawal sa paggamit sa gabi at ang multa 50 hanggang 250 euro sa mga lalabag;
- Offlimits sa mga sidewalk – bawal ang paggamit nito at pagpa-park sa mga sidewalks at multa mula 41 hanggang 168 euro.
- Pagkakaroon ng 18 anyos at pagsusuot ng helmet.
Ang mga monopattino ay dumating sa Italya bandang Marso-Abril 2020 at pinalitan nito ang sharing mobility sa Italya, ayon sa Osservatorio nazionale sulla sharing mobility. Sa loob ng isang taon sa Italya ay nag-boom bilang pangunahing sasakyan ng sharing at sa ilang lugar ay pinalitan ang electric scooter at e-bikes. Noong 2020 ay naitala ang 7.4 bilyong kadami ang pag-arkela o rental ng monopattino at tumakbo ng 14.4 milyong kilometro; kumpara noong 2019 ay tumaas ang duration sa 12.1 minutos at ang distansya ng pag-arkela sa 1.8 km.