in

Picnic, may pahintulot ba sa April 3, 4 & 5? Narito ang FAQs.

Sa mga araw ng April 3 (Holy Saturday), 4 (Easter Sunday) and 5 (Easter Monday), ang buong Italya ay nasa ilalim ng restriksyon ng zona rossa.

Narito ang mga frequently asked questions o FAQs

Sa zona rossa ba ay bawal ang magpunta sa bahay ng kamag-anak o kaibigan? 

Oo, sa zona rossa ay hindi pinahihintulutan ang pagpunta sa bahay ng kaibigan o kamag-anak kahit isang beses sa maghapon ayon sa bagong dekreto. 

Ngunit sa tatlong araw na nabanggit, April 3, 4 at 5 ay pinahihintulutan  ang pagbisita sa bahay ng kamag-anak o kaibigan sa mga sumusunod na kundisyon:

  • isang beses lamang sa maghapon, 
  • sa loob lamang ng sariling rehiyon,
  • maximum na dalawa katao lamang at 
  • ang mga mas bata sa 14 anyos at children with disabilities ay pinahihintulutan,
  • sa pagitan ng 5am hanggang 10pm

May pahintulot ang pagpunta sa mga parke, samakatwid ay may pahintulot din ang picnic?

May pahintulot ang pagpunta sa mga parke at villa na malapit sa sariling tahanan para mamamasyal o para sa individual exercises o physical activities ngunit mahigpit ang pagbabawal ng awtoridad sa picnic kahit sa outdoor. Ipinagbabawal din ang pagtatanggal ng mask kahit nasa outdoor. Inirerekomenda rin ang hindi pakikipag-kita sa mga kaibigan sa parke na posibleng dahilan ng ‘assembramento’.

May pahintulot ang jogging sa kundisyong ito ay malapit sa sariling tahanan at patuloy na susundin ang mga protocol tulad ng pagsusuot ng mask at social distancing. 

Samantala, ang mga nais namang mag-bike ay mas malaya upang gawin ito. Sa katunayan ay may pahintulot magpunta ng ibang Comune, sa kundisyong ito ay para sa layunin lamang ng sports at ang destinasyon ay ang parehong lugar ng simula nito. 

Ano ang regulasyon ukol sa pagpunta sa Simbahan para sa Easter? 

Sa mga araw na nabanggit ay magpapatuloy ang mga religious activities. May pahintulot ang pagpunta sa simbahan o lugar ng pagsambaInirerekomenda ang pagpunta sa pinakamalapit na simbahan. May pahintulot ang partesipasyon ng mga mamamayan sa kundisyong susunod sa mga ipinatutupad na protokol. Ipinapaalala ang pagdadala ng Autocertificazione. Gayunpaman, sa kawalan nito ay maaaring magbigay ang awtoridad sa oras ng kontrol.

(PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ako Ay Pilipino

Cassa Colf, kasamang binabayaran ng Contributi Inps, ano ito?

Basketball, may pahintulot ba sa Pasqua at Pasquetta?