Simula October 1, 2021, ang Pin ng Inps ay hindi na magagamit upang magkaroon ng access sa website ng Istituto Nazionale della Previdenza Sociale o INPS, ang Italian social security agency.
Ang Pin ay mananatiling balido hanggang Sept. 30, 2021 na lang matapos huminto ang tanggapan sa pagbibigay nito mahigit isang taon na.
Samakatwid, para sa access sa mga serbisyo ng Inns online ay kailangan ang pagkakaroon ng:
- SPID – Sistema Pubblico di Identità Digitale
- CIE – Carta d’Identità Elettronica
- CNS – Carta Nazionale dei Servizi
Gayunpaman, simula August 16, 2021 ay maaaring gumawa ng authorization o delega para sa ibang tao upang patuloy na magkaroon ng access sa online services sa website ng Inps, sa pamamagitan ng form AA08.