in

Protective mask, saan nananatiling mandatory sa Italya? 

Ang paggamit ng protective mask at ilang restriksyon ay nagbago simula May 1, 2022. Ito ay sa pamamagitan ng isang ordinansa ni Health Minister Roberto Speranza na nagtatalaga kung saan nananatiling mandatory ang pagsusuot ng mask.  

Pagsusuot ng mask, mandatory pa rin ba sa Supermarket at mga Shops?

Simula May 1, ang pagsusuot ng mask ay hindi na mandatory para sa mga customers ng shops, supermarkets at mga malls matapos ang higit sa dalawang taon mula ng ipatupad ito sa pamamagitan ng DPCM ng gobyerno ni Conte. 

Ang mga commercial activities sa katunayan ay hindi na kabilang sa mga indoor places na tinukoy sa ordinansa ni Health Minister Speranza. Gayunpaman, ang pagsusuot ng protective mask ay inirerekomenda pa rin sa kaso gaya ng ‘assembramento’.

Saan nananatiling mandatory ang pagsusuot ng mask sa Italya? 

Para sa mga workplaces, ang patakaran ay hindi pare-pareho. Para sa mga nagta-trabaho sa supermarket, shops, hairdressers, public offices at mga serbisyo na bukas sa publiko, ang pagsusuot ng mask ay batay sa iba’t ibang Covid protocol. 

Samantala sa pribadong sektor, ang bawat kumpanya ay maaaring magpasya kung pananatilihin ang pagsuusot nito. Samakatwid, sa isang supermarket (kung saan ang mga customers ay hindi na kailangang magsuot ng mask) ay maaaring makakita ng mgs customers na hindi na nagsusuot nito, samantalang posibleng mandatory pa rin ito sa mga empleyado. Kaugnay nito, sa May 4, ay mayroong naka-schedule na meeting ang Ministry of Labor. 

Para naman sa public administration, pinirmahan ni Minister Renato Brunetta ang isang circular kung saan inirerekomenda ang pagsusuot ng mask sa ilang partikular na sitwasyon. Narito kung saan ito ipinapayong gamitin (hindi na mandatory)

  • lugar kung saan maraming tao;
  • windows na bukas sa publiko at walang angkop na protection barriers;
  • elevators;
  • maliliit na lugar kung saan mayroong manggagawa na may health issues;
  • meetings;
  • kung may empleyadong mayroong sintomas.

Ang pagsusuot ng mask ay nananatiling mandatory para sa mga bisita, pasyente at empleyado ng mga health facilities, tulad ng hospital, RSA at hospice. Sa lahat ng mga nagta-trabaho sa mga lugar na nabanggit, mandatory pa din ang pagkakaroon ng Super Green Pass (na tuluyan ng tinanggal sa lahat ng ibang sektor). Samantala ang mga dadalaw na bisita sa lahat ng health facilities ay kailangan ang Basic Green Pass. 

Mandatory ba ang pagsusuot ng mask sa mga paaralan sa Italya? 

Oo, sa paaralan ang nananatiling mandatory ang pagsusuot ng mask hanggang magtapos ang scholastic year 2021/2022. Sa klase ay pinahihintulutan na rin ang paggamit ng surgical mask o chirurgica. Gayunpaman, nananatiling mas sigurado ang pagsusuot ng FFP2. Exempted sa obligasyong magsuot ng mask ang mga mas bata sa 6 na taong gulang, at ang mga may sakit o karamdaman na hindi maaaring magsuot ng mask. 

Bar, restaurant, gym, stadium at cinema: ang regulasyon sa paggamit ng mask

Tulad sa mga supermarkets at shops mula Mayo 1, 2022, bilang isang customer, ay maaari ng alisin ang mask kung papasok sa bar, restaurant. Hindi na kailangan ang protective mask. Posibleng hindi na ito isuot sa pagpasok sa stadium, ngunit kailangang isuot sa pagpasok sa indoor sports hall. Samantala, para sa mga workers, tulad ng nabanggit sa itaas, ang mga empleyado ng bawat kumpanya ay mayroong kanya-kanyang Covid protocol, batay sa desisyon ng kumpanya. Samantala, sa mga cinema at theaters ay kabilang sa mga lugar kung saan nananatiling mandatory ang pagsusuot ng mask hanggang June 15, 2022. 

Saan nananatiling mandatory ang paggamit ng FFP2 mask hanggang June 15, 2022?

Narito ang listahan ng mga lugar kung saan dapat gamitin ang FFP2 mask hanggang Hunyo 15, 2022.

  • Public transportation (eroplano, tren, barko, ferry, bus, pullman, school bus, tram, subway);
  • Indoors shows (cinema, theaters, concert halls at live music);
  • Indoor sports event (sports hall – hindi kabilang ang stadium);
  • Hospitals, health facilities, RSA (sapat na surgical mask)

Para sa detalyadong impormasyon, bisitahin lamang ang website governo.it

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Apelyido ng parehong magulang, paano ang sistema sa Italya?

Sahod ng colf na maysakit, binabayaran ba ng INPS? Paano ito kinakalkula?