in

Reddito di Cittadinanza, matatanggap din ng mga dayuhang 10 taong residente sa Italya

Tila pinal na at makalipas ang mga balitkos, pagtutol at mga mainit na diskusyon sa kabila ng katahimikan ng mga dayuhan, ay matatanggap din ng mga residente sa bansa ng 10 taon ang tanyag na reddito di cittadinanza.

Hanggang sa kasalukuyan, makalipas ang ilang buwang diskusyon ay nananatiling mainit ang tema kung kabilang nga ba ang mga dayuhan at kung anu-ano ang kundisyon para matanggap nila ang benepisyong ito.

Matatandaang ayon sa unang pahayag ni Minister Luigi De Maio ang reddito di cittadinanza ay esklusibong nakalaan lamang sa mga mamamayang Italyano.

Sa simula pa lamang ay ito na ang posisyon ng M5S na naging sanhi ng mga batikos at inulan ng pagtutol mula sa oposisyon dahil sa paniniwalang “Italyano muna”.

Kahit sa Lega ay naging isang sorpresa ang ‘draft’ ng nasabing dekreto kung saan nasasaad na ang tulong pinansyal ay matatanggap din ng mga dayuhang residente sa Italya na hindi bababa sa limang (5) taon. Bagay na hindi madaling tinanggap ng katuwang na si Matteo Salvini.

Upang maprotektahan ang unang pahayag, nagpatuloy si Di Maio sa isang press conference at kinumpirmang ang reddito di cittadinanza ay nakalaan sa mga mamamayang Italyano lamang.

Sa kabila nito, ay kumakalat ang ‘revised draft’ kung saan tinaasan ng M5S mula 5 taon sa 10 taon ang residency requirement para sa mga dayuhan upang ito ay matanggap. Sa ganitong paraan ay maiiwasang ideklara ito ng Constitutional Court na hindi makatarungan at hindi naaayon sa batas.

Samakatwid, ang reddito di cittadinanza ay nakalaan din sa mga dayuhang long term residents o residente sa bansa ng sampung taon.

Bagay na inamin ni Di Maio sa paggamit ng salitang “lungo soggiornanti’.

Tulad ng inaasahan, ito ay hindi pa pinal at ilang oras pa lamang ang nakakalipas ay muling nagkaroon ng pagbabago ang sampung taong residency ng mga dayuhan, ayon sa pahayag ng Adnkronos.

Hindi na sampung taong tuluy-tuloy na pananatili sa Italya bagkus ay ang huling dalawang taon lamang ng sampung taong requirement ang nangangailangan ng tuluy-tuloy na pananatili sa bansa.

Ang reddito di cittadinanza ay tulong pinansyal na nagkakahalaga ng € 780,00 kada buwan na nakalaan sa  mga walang trabaho o maliit ang sahod, mga pensyunado at mga mamamayang mahirap.  Ito ay simulang matatanggap sa  susunod na taon, marahil mula Marso 2019.

Inaasahang tatanggap ng tulong pinansyal ang 4.916786 katao, kung saan 1.734.932 ang mga pamilya.

Gayunpaman, ang kaguluhang ito ay isa sa mga posibleng sanhi ng tagumpay ng fake website para sa reddito di cittadinanza.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

pagbabago sa decreti salvini ako ay pilipino

Anim na Rehiyon, salungat sa Decreto Salvini at nagsusulong ng apela sa Constitutional Court

All Filipino Europe Tournament, ginanap sa Milan