in

Reddito di Cittadinanza, para din ba sa mga dayuhan?

“Ang reddito di cittadinanza ay matatanggap din ng mga dayuhang residente sa Italya ng hindi bababa sa sampung taon. Ito ang paglilinaw ni vice premier Luigi Di Maio sa panayam ng ‘Il Fatto Quotidiano’.

Sa nalalapit na manovra finanziaria (o budgeting plan) ay tinatayang 8 hanggang 10 billion euros ang ilalaang pondo para maisakatuparan ang hinahangad na reddito di cittadinanza ng M5S, ang temang nagpalakas sa partido sa nakaraang halalan.

Ngunit hanggang sa kasalukuyan ay mainit pa rin ang diskusyon at hindi pa rin pinal kung sinu-sino ang tunay na makakatanggap ng benepisyong ito. Sa katunayan sa unang panayam ng Radio Anch’io kay Luigi Di Maio ay sinabi nitong “ang reddito di cittadinanza ay nakalaan lamang sa mga Italians”.

Ngunit kamakailan isang paglilinaw ang binanggit ni Di Maio sa panayam ng ‘Il Fatto Quotidiano’. “Ang reddito di cittadinanza ay ibibigay din sa mga residente sa bansa ng hindi bababa sa 10 taon”. Samakatwid, ang benepisyo ay maaaring ibigay maging sa ga dayuhang residente ng sampung taon sa Italya.

Ang paglilinaw na ito ay naging sanhi ng pansamantalang pananahimik ng katuwang na si Salvini. Dahil dito ay kailangan umanong maghanap ng budget ang Ministero ng Ekonomiya, Giovanni Tria.

Ang pagtanggap sa benepisyo ng mga dayuhang residente ay tumutukoy sa halos 1.7 milyong pamilya na mayroong average na pamumuhay at maituturing na mas nahihirapan kumpara sa mga Italians, ayon sa pahayagang Glistranieri.

Gayunpaman, tulad ng inaasahan ang paglilinaw na ito ng vice premier ay hindi nagustuhan ng Lega, pati na rin ng Forza Italia.

Ayon sa kanila ang halagang ilalaan sa reddito per cittadinanza ay masaydong mataas at magagamit sa mas maraming proyekto kabilang na dito ang pagbibigay ng higitna trabaho sa nakakarami. Ayon pa dito, ito umano ay magiging sanhi na maging maluwag masyado ang paninirahan ng mga dayuhan sa bansa, partikular ang mga walang trabaho, dahil sa pagiging mapagbigay ng gobyerno.

Ang reddito di cittadinanza ay tulong pinansyal na nagkakahalaga ng €780,00 kada buwan na nakalaan sa  mga walang trabaho o maliit ang sahod, mga pensyunado at mga mamamayang mahirap.  Ito ay simulang matatanggap sa  susunod na taon, marahil mula Marso 2019.

 

 

 

PGA

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Babala ng Inps ukol sa scam

ALAB Art Workshop para sa Youth for Christ Group