in

Regularization, mga Paglilinaw mula sa Labor at Interior Ministries

Dalawampung araw bago tuluyang magtapos ang Regularization o Sanatoria 2020, isang Joint Circular mula sa Labor at Interior Ministries noong July 24 ang nagbibigay paglilinaw ukol sa proseso ng kasalukuyang Regularization ng mga dayuhan sa Italya. Narito ang nilalaman: 

Simula o pagpapatuloy ng trabaho sa panahon ng proseso ng Regularization.

Kung sakaling magsimula o magpatuloy ang dayuhang mamamayan sa trabaho bago ang appointment o convocazione ng Prefecture, ang employer ang kailangang gawin ang comunicazione obbligatoria sa Inps (kung domestic worker) 24 oras bago ang araw ng simula ng trabaho. Mahalagang ilagay ang codice fiscale ng worker (kahit sa pamamagitan ng pansamantalang kalkulasyon lamang) at ang salitang ‘in attesa di permesso di soggiorno’. 

Domestic job at Assistance to person:

a. Posibilidad na magpadala ng aplikasyon ng regularization ang higit sa isang employer (halimbawa ay ang mga part-timer na may higit sa isang trabaho). Ayon sa Circular, maaaring magpadala hanggang 3 employers ng bukod at magkakahiwalay na aplikasyon para sa iisang worker. Kailangan lamang bigtang.diin sa form EM dom, na ang employer ay higit sa 1. 

b. Maaaring gawing regular ang isang part-time job, sa kundisyung ang sahod nito ay naaayon sa CCNL at hindi mas mababa sa assegno sociale o € 459.83 kada buwan

Asylum seeker –  Inulit sa Circular na maaaring mag-aplay ng regularization ang mga permesso di soggiorno per richiesta asilo holders na nagta-trabaho ng nero at nais gawing regular ng employer. Sa araw ng pagpirma ng contratto di soggiorno, ang Sportello Unico ay magbibigay ng karagdagang impormasyon sa aplikante ukol sa posibilidad na ipagpatuloy o pawalang-bisa ang aplikasyon sa pagkakaroon ng international protection.

Permesso di soggiorno non convertibile o hindi convertible sa ibang uri ng permit to stay ngunit nagpapahintulot makapag-trabaho tulad ng permesso di soggiorno per richiesta asilo. Kung ang worker ay kasalukuyang mayroong regular na part-time job ay maaaring mag-aplay para sa regularization ng ikalawang part time job. Ngunit hindi naman pinahihintulutan sa regularization ang conversion ng permit to stay s akasong ang worker ay kasalukuyan ng mayroong regular na full time job. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga papasok sa Italya mula Romania at Bulgaria, may mandatory quarantine

Tong-itan sa Piazza Manila, timbog ulit