Ang emerhensya ng coronavirus ay nagpabilis sa mabagal na burokrasiya sa bansa at naging mahalaga ang high technology.
Kaugnay nito ay tuluyang ng tinanggal ang ricetta medica na papel (o cartaceo) na dinadala naman sa mga pharmacies. Sa pamamagitan ng ordinansa ng Protezione Civile ay matatanggap na ang ricetta medica elettronica via email o sa pamamagitan ng whatsapp.
“Kailangang malimitahan ang sirkulasyon at paglabas ng bahay. Ito lamang ang paraan upang malabanan ang pagkalat ng covid19. Gamitin ang teknolohiya upang maging epektibo ang serbisyo ng Sistema Sanitario Nazionale, partikular sa panahon ng krisis pangkalusugan kung kailan kailangang kailangan ang subaybay ng mga medico di base”.
Sa paggawa ng ricetta medica ng medico di base – mababasa sa ordinansa – ay maaaring humingi ang assistito sa kanyang duktor ng kopya ng ricetta elettronica na may numero sa pamamagitan ng:
- (PEC) Posta elettronica certificata o certified email o (PEO) posta elettronica ordinaria o normal email.
- SMS o Whatsapp o kahit anong uri ng application sa mga smartphones sa pagpapadala ng message o photo;
- Sa pamamagitan ng tawag sa telepono.