in

Schengen treaty, pansamantalang suspendido sa Italya

Sa loob ng dalawampung araw ay suspendido ang free circulation na nasasaad sa Schengen Treaty.

 

Mayo 11, 2017 – Mula kahapon May 10 hanggang May 30, sa loob ng 20 araw ay suspendido ang Schengen Treaty na nagpapahintulot sa free circulation sa European community. Ang suspensyon ay magsisilbing kontrol laban sa terorismo sa gaganaping dalawang international event sa Italya.

Ayon sa National Agency para sa Civil Aviation o ENAC kamakailan ay pansamantalang ibinabalik ang frontier control matapos ang paglabas ng decree mula sa Ministry of Inteior, ang decreto 6 apr 2017.

Upang matiyak ang regular at maayos na takbo ng G7 na gaganapin sa Bari sa May 11 -13 at Taormina sa May 26-27, mababasa sa note verbal ng ENAC, mula 12:00 am ng May 10 hangganga 12:00 pm ng May 30, 2017, ay pansamantalang suspendido ang free circulation”.

At dahil inaasahang ito ay maghahatid ng mahabang pila sa mga check-ins sa mga airports, hinihiling ng ENAC ang kolaborasyon ng mga airline companies at ng mga pasahero na may flight sa mga petsang nabanggit.

Magtungo sa airports dala ang mga valid documents ng mas maaga upang maiwasan ang anumang delayed ng mga flights sanhi ng pagbabalik sa documents control”.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

TUMBUKAN 9-BALL CHALLENGE:Pagsaklolo ng Guardians International 1st Legion Rome City sa Modesto Acob Memorial School, Baco Oriental Mindoro

Ano ang tinatawag na ‘silenzio-assenzo’ ng decreto flussi 2017?