in

Servizio Civile Nazionale – Higit na pagkakataon para sa mga kabataan

Nilawakan ang Bando 2015 na bukas rin maging sa mga kabataang dayuhan. Deadline inilipat sa April 23.

 

 

 


Roma – Abril 7, 2015 – Higit na pagkakataon para sa mga kabataan, Italyano man o dayuhan, na nais na magbigay serbisyo sa National Civil Service o Servizio Civile Nazionale.

Sa 29,972 available posts na inilathala noong nakaraang buwan, ay idinagdag kamakailan ang 1,046 posts. Ito ay magpapahintulot sa 92 bagong mga proyekto sa Calabria, Lazio, Liguria, Lombardy, Marche, Piedmont, Puglia at Tuscany.

Bukod dito, ay mas mahaba ang panahon sa pagsusumite ng aplikasyon. Sa katunayan ay inilipat ang deadline nito at ginawang hanggang alas 2 ng hapon sa April 23, sa halip na April 16, tulad ng unang inilathala.

Ang National Civil Service ay bukas sa mga kabataang may edad mula 18 hanggang 28 anyos. Maaaring Italyano, Europeans o non-EU nationals: ka-pamilya ng mamamayang Europeo kahit ang citizenship ay hindi buhat sa kahit isa sa member state nito na may permanent residency; mayroong EC long term residence permit; may asylum permit to stay; humanitarian permit to stay.

Ang mga boluntaryo, tawag sa mga kabataang maglilingkod, ay magbibigay serbisyo sa mga pinaka-disperadong sitwasyon, mula pag-aalaga ng mga matatanda at may kapansanan, pagtuturo at promosyon ng kultura, hanggang sa pangangalaga sa mga mamamayan, ng kapaligiran at ng yaman ng sining. Nasasaad ang pagtanggap kada buwan ng allowance € 433,88, kung saan idadagdag ang € 15 euros araw-araw sa serbisyo sa ibang bansa.

Sa website ng SCN, ay matatagpuan ang mga forms at lahat ng proyekto. Maaari lamang magsumite ng isang aplikasyon kada proyekto, direkta sa endidad na humahawak nito.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

PAGHAHANDA

Permit to stay sa sinumang makikipagtulungang labanan ang human traffickers at smugglers