Ang Sistema Pubblico di Identità Digitale o SPID ay magiging obligado simula 2021. Sa katunayan simula Feb. 28, 2021, ang digital identity ay ang mananatiling iisang paraan ng access sa mga online services ng Public Administration, kasama ang CIE o cartà identità elettronica.
Ito ay nasasaad sa Decreto Semplificazioni n. 76/2020. Layunin nitong gawing mas madali at simple ang bawat proseso, makatulong sa pag-unlad ng digitalisasyon sa pagitan ng estado at mga mamamayan at nakakatulong din ito sa PA na makapagtipid mula sa pagbibigay ng iba’t ibang credentials sa publiko.
Kaugnay nito, unti-unting tatanggalin ang paggamit ng password at username sa iba’t ibang serbisyo ng PA. Ang itinakdang deadline ng paggamit ng mga ito ay hanggang Sept. 30, 2021, kung kalian magtatapos ang transition period.
Matatandaang simula nitong nakaraang Setyembre, ay SPID na lamang ang natatanging paraan para maka-access sa online services ng Inps, Agenzia dell’Entrate, pati Ministero del Lavoro. SPID na rin ang ginamit sa pagtanggap ng iba’t ibang benepisyo mula sa gobyerno tulad ng bonus bici at bonus vacanza. Ang SPID ay tanyag na din sa mga dayuhan sa pag-aaplay ng italian citizenship, sanatoria at flussi.
Sa katunayan, ito rin ang bentahe nito sa mga mamamayan: ang magkaroon ng iisang username at password sa lahat ng online services ng Public Administration. (PGA)
Basahin din:
Paano magkaroon ng SPID? Narito ang bagong pamamaraan ng pag-aaplay