in

Super Green Pass, ipatutupad simula ngayong araw, Dec. 6

Ang Super Green Pass ay simulang ipatutupad ngayong araw, December 6, 2022 hanggang January 15, 2022.

Super Green Pass

Ang Super Green Pass ay inilunsad ng decreto legge na inaprubahan ng Konseho ng mga Minsitro noong nakaraang November 26.

Magkakaroon ng Super Green pass, sa pamamagitan ng dalawang paraan lamang: 

  • bakuna kontra coronavirus,
  • Gumaling sa sakit na Covid19 sa huling 6 na buwan. 

Simula December 6, ang mga mayroong super green pass lamang sa zona bianca ang makakapasok sa mga restaurants at bar (hanggang 75% ng maximum capacity sa outdoor at 50% sa indoor) cinema, theaters, wedding, public ceremonies, concert, stadium, (hanggang 75% ang maximum capacity sa outdoor at 60% naman sa indoor). 

Sa zona gialla at zona arancione naman, ang pagkakaroon ng Super Green pass ay kailangan upang maiwasan ang mga restriksyon ng mga Rehiyon o Comune. Samakatwid, ay maaaring makapasok sa cinema, theaters, disco, events, sports events, public ceremonies, dine-in restaurants at bar sa kabila ng restriksyon. 

Basic Green Pass

Ang Basic Green pass ay makukuha naman sa pamamagitan ng Covid19 tests lamang. Balido ng 72 hrskung molecular test at 48 hrs para sa antigen rapid test

Sa zona bianca, simula December 6, 2021, ang pagkakaroon ng basic green pass ay kailangan sa mga sumusunod:

  • Pagsakay sa tren (kasama ang regional trains),
  • Pagsakay sa local public transportation tulad ng tram, bus at metro,
  • Pagpunta sa mga hotels, 
  • Paggamit ng spogliatoi al chiuso

Simula December 6, 2021, ang algorithm ng app na bumabasa ng QR code ng basic green pass ay magbabago. Makikilala ng application mula sa QR Code ang uri ng green pass: basic o super. Kung ang owner ay nagkaroon ng Green pass dahil nabakunahan o dahil gumaling sa sakit na Covid, ang basic Green pass ay awtomatikong nagiging Super Green pass

Samakatwid, ang basic Green pass ay awtomatikong maga-update at walang dapat gawin ang may-ari. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 2]

Bakuna kontra Covid19 sa mga bata edad 5-11, sisimulan sa December 16 sa Italya

Mga Praktikal na Tips kung paano gagamitin ang matatanggap na Pera ngayong December