in

Temporary workers at overtime, sagot sa krisis

Karagdagang pondo upang tapusin ang direct hire at regularisasyon.

Roma – Ang krisis sa North Africa ay lalong nagpadami ng pagdaong ng mga imigrante sa Sicily, dahil dito ang pamahalaan ay humantong sa isang paghahayag ng “state of emergency”. Ito ay magpapahintulot upang harapin ang isang mabigat na problema, tulad ng mga daan-daan libong mga tao na naghihintay para sa resulta ng direct hire at regularisasyon.

Ang pamamaraan ay nanatiling tulad ng dati. Kung kaya’t ang mga Immigration Office at mga Immigration Police department ay patuloy na nahihrapang tapusin ang mga ito. Ngunit ang deklarasyong ito ng ‘emergency’, ay maaaring magbigay ng bahagyang pondo upang magkaroon ng mga pansamantalang mga empleyado at karagdagang oras din ng trabaho.
Ang pondo ay upang dagdagan ng Ministry of Interior ng halos 325 temporary workers para sa anim na buwan. Ang mga ito ay ipamamahagi sa mga Immigration Office at Immigration Police department. Bukod dito ay karagdagang 250 workers (na marahil ay mga manggagawang nanganganib sa kanilang trabaho) ang pinahihintulutan ng overtime.

Lahat ng ito ay nagkakahalaga ng higit sa lima at kalahating milyong euros. Inilabas upang tugunan ang kasalukuyang ‘emergency’ ng isang ordinaryo at ngunit hindi sanay na administrasyon.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

MARONI: Handa na sa pagpapabalik ng mga migrante

IMG advocates the power of choice