in

Toll Free Number 1500, pinaigting ng Ministry of Health

Sa pagharap sa emerhensya at sa pagpapakalat ng mga tamang impormasyon ukol sa coronavirus o ang Covid-19 ay pinaigting ng Ministry of Health ang toll free number nito, ang 1500.

Pinaigting ng Ministry of Health ang toll free number 1500 ng karagdagang hanay ng mga health figures na makakatulong sa pagpapakalat ng mga tamang impormasyon upang bantayan ang kalusugan at tugunan ang seguridad ng mga mamamayan.

Ang toll free number 1500 ay H24 o tumatanggap ng tawag 24 oras. Partikular, ito ay nagbibigay ng mga tamang impormasyon at oryentasyon ukol sa 2019-nCov. Layunin rin nitong labanan ang matinding pagkalat ng mga fake news na naghahasik ng higit na takot sa mga mamamayan.

Bukod sa nabanggit ay naglagay rin ang Ministry ng mga chinese cultural mediators na makakatulong sa mas madaling komunikasyon at mas madaling pagtugon sakaling may mga pinaghihinalaang bagong kaso sa bansa. (ni: PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Paghahanda laban sa tuluyang paglaganap ng Covid-19, pina-igting na sa Hilagang bahagi ng Italya

Komunidad ng Filipino, nakiisa sa Carnevale sa Firenze