in

Torture, malapit ng maging isang krimen

Narito ang mga magiging pagbabago sa penal code at ang batas sa imigrasyon (Testo Unico). 

 

 

 

 

 


Roma – Abril 16, 2015 – Maging sa Italya ang ‘torture’ o ‘lubos na pagpapahirap’ ay malapit ng maging isang ganap na krimen o pagkakasala. Ito ay maituturing na isang tagumpay at isang mahalagang balita lalong higit sa mga imigrante, dahil ito ay magbibigay ng proteksyon sa pagpapatalsik.

Ngunit ating siliping mabuti ang mga kaganapan. Kamakailan sa Chamber of Deputies ay inaprubahan at ibinalik sa Senado ang isang panukalang batas (disegno di legge) na tumutukoy at naglalagay sa penal code ng krimen at itinalaga ang mga parusa.

Ang sinuman – nasasaad sa panukala – na may pagbabanta at may karahasan o sadyang nilabag ang obligasyong proteksyunan, pangalagaaan o tulungan ang taong ipinagkatiwala o nasa ilalim ng kanyang pag-iingat o pagbabantay, at naging sanhi ng malalang pisikal at mental na paghihirap, sa layuning matanggap buhat dito o buhat sa ikatlong parte, ang mga impromasyon o deklarasyon o ang pahirapan bilang parusa o manalo sa isang laban dahil sa lahi, kasarian, opinyong politikal o pang relihiyon, ay pinaparusahan ng pagkakakulong mula 4 hanggang 10 taon”.

 Ang parusa ay lumalala kung ang sangkop sa krimen ay isang public official o public service, na maaari ring mapatawan ng krimen ng “Istigazione alla tortura” o ang pagbubuyo. Binigyang –diin din ng panukalang batas na tatawaging ‘torture’ ang higit sa pagpapahirap buhat sa pagpapatupad ng mga legal na aksyon na ayon sa batas”.

May isang artikulo rin na partikular na nakalaan para lamang sa mga dayuhan, na nakasulat rin sa unang talata ng artikulo 19 ng Batas sa Imigrasyon. Ang susog ay may guhit sa ilalim: "Walang anumang kaso ang maaaring patawan ng pagpapatalsik o pagpapadala sa ibang bansa, kung saan ang dayuhan ay maaaring sumailalim sa mga pag-uusig dahil sa lahi, kasarian, wika, nasyunalidad, relihiyon o politikal na pananaw, kundisyong personal o sosyal o  sumailalim sa pagpapahirap, o maaaring manganib na ipadala sa ibang bansa kung saan walang proteksyon sa pag-uusig o ang paghihirap mula sa sistemang lumalabag sa karapatang pantao”.

Kung sakaling aaprubahan din ng Senado ang pagbabagong ito, ay lalawak ang mga kaso kung saan ang dayuhan, kahit na pumasok o manatili ng hindi regular sa Italya, ay hindi maaaring ipabalik sa sariling bansa o sa ibang bansa na maituturing na ‘mapanganib’. Ang labis na pagpapahirap sa katunayan, ay kasalukyan pa ring laganap sa maraming bansa, tulad ng maraming bansa pa rin ang may sistemang lumalabag sa karapatang pantao.  

 Ang panukalang-batas ay aprubado ng mayorya. Ang Lega Nord at Fratelli d’Italia ay sinubukang tanggalin o pahinain, sa pamamagitan ng mga susog, ang artikulo na nakalaan sa mga dayuhan  na tinanggihan ng karamihan.

"Ito ay isa na namang pagpapakita na ang mayorya, sa kasamaang palad, kasama ang ilang grupo ng oposisyon, ay nais na itigil ang pagpapatalsik, pagpapauwi sa sariling bansa ng mga dumarating ng iligal sa Italya”, ayon kay Massimiliano Fedriga. “Hindi natin maaaring sakupin ang lahat ng paghihirap ng mundo”, pagtatapos pa nito.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Kasal ngunit hindi nagsasama, hadlang ba sa carta di soggiorno?

Pre-enrollment sa mga unibersidad, tinatanggap na ng mga Embahada