Naglabas ng updated FAQs ang Palazzo Chigi ukol sa pagiging mandatory ng Green pass sa lahat ng workplace sa Italya simula October 15, 2021. Binigyang-linaw din nito ang ukol sa Green pass ng mga caregivers.
Bilang tugon sa mga Frequently Asked Questions o FAQs na inilathala ng Gobyerno ay binigyang-linaw nito ang mga sumusunod:
- Kung ang caregiver ay walang Green pass ay hindi maaaring pumasok sa trabaho (bahay ng employer);
- Kung ang caregver na live-in ay walang Green pass ay kailangang umalis mula sa bahay ng employer;
- Bukod sa sahod, pati ang board and lodging ng mga caregivers ay hindi babayaran ng employer sa kawalan nito ng Green pass;
- Kung ang caregiver na naka-live in ay nag-positibo sa Covid19, hindi ito maaaring lumabas mula sa bahay ng employer kung saan nakatira para sa isolation.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ng website www.governo.it